Pamana Ni Ama

1.8K 35 3
                                        

Pamana ni ama

Hi spooktify, gusto ko lng sana ishare tong story ko about me and my dad.

Yung daddy ko nasa military so bata palang ako lagi syang na aasign sa malayo. Mapa luzon hanggang mindanao. Naalala ko mga 5 palang ako nun lagi ko naririnig nag uusap sila ni mama mga kwentong creepy e ako matatakutin kaya minsan di ko sila pinapansin. May naalala ako about sa kapre. Isang gabi pagtapos ng training nila dala ng pagod at medyo isolated yung lugar. Magubat. Nag sabit sila ng mga duyan sa puno. Si papa at yung kasama niya naisipan na kumuha ng tubig banda dun sa ilog. Kinabukas umuwi na sila byahe pa bayan sumama pakiramdam ni papa which is very unlikely. Di ko nakikita nag kakasakit sya. Pag dating nila ng manila through C130. Nilalagnat na siya ilang araw din nag off si papa nun kasi sobrang sama daw ng pakiramdam niya hanggang sa nagsusuka na siya dun niya sinabe kay mama na tumawag na ng albularyo. Ako naman sige ang chismis lng sa nangyyare. Nag usap si papa at yung albularyo hanggang ginawa yung orasyon na tumutulo ung kandila sa planggana. Laking gulat ko sabi ni manong kapre daw. Sina mama at papa walang reaksyon. Nag payo yung albularyo kung anong gagawin sinunod naman ni papa. So ayun gumaling narin sya after 2 days. Mga 7 naman ako, tinatakot ako ni papa na may multo tas nag kwekwento din sya nga kung ano-ano. Ang di ko malilimutan yung kwinento niya sakin na may 3rd eye daw sya. Nung nag tratraining plang siya sa may taguig noon. Malapit sa may bonifacio heights yun. Walang araw na wala sya nakikita kesyo pari n putol ulo. Mga naglalakad na sundalong oldschool. Tas nung binata plang siya sa lugar namin di pa msyado maraming bahay may nakikita syang aso na itim tas pag lagpas sa puno nagiging babae na. Syempre ako di msyadong naniniwala. Feeling ko joke time lang e. So ayun one night sa garahe namin nakapark yung owner namin. Nasa computer ako nun. Nasa right side ko yung pinto at si papa nasa likod ko nasa sofa. Nagulat ako may parang dumaan dun sa pinto namin. Tas biglang sabi ni papa ""nakita mo noh"" so ako nagulat. Tumakbo ako papunta kay papa. Babygirl ang peg. First time ko makakita nun. Gosh. Tapos meron pang kwento si papa marunong daw siyang manghula. So ako naman uto uto nag pahula. Yyaman daw ako at makakapagtapos. Hahaha. Kala ko binibiro lng niya ko. Nung nag 12 ako nawala si papa, sumakabilang buhau. Very unexpected. So ako bilang daddys girl. Nawasal mundo ko. Walwal dito walwal dun. Hanggang sa nakwento sakin ng mama ko na. Si papa nga meron talagang open n third eye. Marunong siyang manghula. College daw pati classmate niya hinuhulaan niya past present at future. Ang pinakamasakit pa dun. Hinuluan niya si mama at nakita niya sa palad ni mama na ang haba haba ng love story nila tas biglang mapuputol. Ayun nga. Mag jowa plang sila ng 14 years old at namatay sya ng 38. Biglaan. Simula daw nung nakita ni papa yung palad ni mama. Ayun pinatigil na siya ni mama na ipractice yun. Sabi nang manghuhula/mangkukulam dito samin nakikita niya raw noon si papa may bantay at alam niya marunong si papa. Nung araw na namatay si papa at 1st time iburol sa bahay. Natulog muna ko para mag pahinga. Pag mulat ko ng mata ko nagulat ako nakikita ko yung sarili ko. Nararamdaman ko nilalamig ako pero wala akong magawa di ako makagalaw. Tapos nakita ko si papa yumayakap sakin. Nag papaaalam siguro. May mga gabi din na pag tapos namin sya ilibing may naririnig kame umuubo at naglalakad sa 2nd floor nandun kwarto nila ni mama. Ako naman eversince  gradeschool nakakaramdam ako pero di nakakakita. Pagdating ko ng college nag try ako manghula. Laking gulat ko nung tama pinagsasabi ko. Ilang classmates ko nag try halos tama lahat. Kaso past and present lng talga kaya ko. Yung future nagttry din ako kaso wala pa nangyayare e hahaha. Yung sa panghuhula ewan ko ba. Hahawakan ko lng kamay nila hahaplusin. Tas parang may energy na lumilipat yung tipong di ko alam bakit sinasabe ko at san galing yung sinasabe ko. Tapos nakakapagod parang may sumisipsip ng lakas mo. Sinabe ko sa mama ko nagttry ako aba nagalit. Hahaha wag ko an daw uulitin. Pero syempre di mapigilan. Ultimo kaopisina niya nag papabasa. Meron din ako yung tipong titignan mo lng yung picture ng tao may nababasa ka na agad. Pero pag sa taong kakilala ko na close talaga aa. Hindi ko mabasa. Ang hirap iexplain. Pero parang hinaharang ng feelings mo dun para sa tao. Yung as in blangko talaga. Sabi ni mama nung bago niya daw kasi ako ipagbuntis nasa peak ng kalakasan yung pagbabasa ni papa at yung kakayahan niyang makakita. Kaya siguro medyo nakakuha ako. Di ko nalang din pinalakas kasi matatakutin ako. Hanggang ngayon dito sa bahay nararamdaman ko pa din si papa. Yung tipong may nakatingen sayo pero wala naman. Thankful narin ako di ganun yung kakayahan ko baka maihi ako panty pag kung ano ano nakita ko. Sabi nga ng nanay ko umayos ayos na daw ako sa pag aaral kung di magtayo nalang ako ng pwesto sa quiapo para sa pahula.

salamat. ✌

Daddys girl
Pasay

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon