Nightmare

2.1K 35 2
                                        

Nightmare

First time kong magshare ng story ko dito. Mahikli lang sya. hehe.

First year college ako nung nangyari 'to. Second sem ata nun. Dun ako natutulog sa bahay ng lola ko para makapagreview ako ng maayos kasi wala akong maayos na magpagrereviewhan sa bahay namin.
Habang nagrereview ako ay kumakain ako ng tinapay at umiinom ng kape. Pero mas lalo lang akong inantok. So, nagdecide na'kong matulog at gumising nalang ng madaling araw. Sa sofa lang ako nakikitulog noon.

So ayun nga at nangyari na ang dapat mangyari.
Nanaginip ako na nag-away daw kami ng mga kaibigan ako at sobrang lungkot ko daw nun kasi ayoko silang mawala sa'kin. Sa panaginip ko na 'yun ay umiiyak ako.
Tapos bigla nalang akong nagising. 2am palang nun. Hindi ako makagalaw tapos may nakikita akong apat na mga shadow. Shadow sila pero makikita mo yung shape nila kung lalaki or babae, bata or matanda. Ang pagkakatanda ko nun ay may nakita ako na pinakamalaki yung katawan este yung itsura ng shadow. Parang yun yung tatay kapag ikinumpara sa isang pamilya. Tapos may bata din. Papalapit sila sa'kin. Sobrang takot ko na kasi binabangungot na pala ako nun. Habang lumalapit sila sa'kin ay parang may pumipilit sa'kin na pumikit. Ako naman pilit na sumisigaw. Ang sinasabi ko lang nun ay ""Mama"". Lagi ko kasi syang tinatawag kapag binabangungot ako. Nun pala, umuungol lang ko. Ganun naman kasi talaga kapag binabangungot ang tao.
Pero ang pinaka-inaasahan ko nung time na 'yun ay ang Diyos at ang sarili ko na kaya kong malampasan yung nangyayari na 'yun sa'kin.
Nagdadasal ako sa isip ko na sana ay tulungan ako ng Diyos na makagalaw. Tapos pinipilit ko na gumalaw.

Maya maya ay parang may narinig ako na may nagbukas ng gripo at may uminom sa kusina. Akala ko ay yun yung asawa ng pinsan ko. Pinipilit kong sumigaw at umaasa ako na maririnig nya ako. Pero hindi nya ako narinig.

Maya maya ay bigla kong naigalaw yung daliri ko hanggang sa buong kamay na. Pero hindi parin ako makagalaw. Pinagpatuloy ko ang pagdadasal ko hanggang sa tuluyan na'kong makagalaw.

Ang una kong ginawa nun ay umupo ako.
Natulala pa ako nung time na 'yun at hindi pa'ko makapagsalita. Parang hindi pa nagsi-sink in sakin yung nangyari.
Tapos bigla nalang akong umiyak. Tapos sabi ako ng sabi ng ""Mama"". Paulit ulit. Tapos nagdecide ako na tumayo at uminom ng tubig kasi nakakatulong daw yun para mahimasmasan ako. Iyak parin ako ng iyak nun.
Sobrang natakot talaga ako kasi nakadagdag pa yung sinabi ng tita ko na may bata nga doon sa bahay nayun. Kasi dati daw, hindi daw pina-blessing yung bahay na'yun.

Kinabukasan, kinuwento ko sa lola, pinsan at asawa ng pinsan ko yung nangyari.
Dapat daw kinatok ko yung pinto ng kuwarto ng lolo at lola ko para doon nalang daw ako matulog sa kuwarto nila.
Tapos hirit pa ng pinsan ko, baka daw yung napanaginipan ako ay nag-cause ng pakalungkot or pag-iyak ko. Kasi daw isa daw yun sa mga reason kung bakit binabangungot ang tao. Tama yung sinabi nya. Kasi yun yung nangyari sa'kin. Isa pa ay baka daw busog ako. Ang pagkakatanda ko nun, kumain ako ng tinapay pero hindi naman ako ganong nabusog kasi konti lang yung tinapay na nakain ko.

Simula noon, hindi na'ko dun natulog. Kasi simula nung nangyari 'yun, lagi na'kong binabangungot kahit sa higaan ko na ako natutulog. Every 2am ako binabangungot nun.

Yun lang. Salamat sa pag-aabalang magbasa nito. Alam ko nakakabored 'to. hehe."

Nyang Nyang
Nueva Ecija

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon