Ako yung tipo ng bata noon na palalakwatsya. Palabati sa matatanda o kahit sino mang aking makakasalubong sa daan. Mabait naman ako eh, pero maloko nga lang. Nang mamatay ang pamangkin ko, lumipat na kami ng tahanan ngunit medyo malapit lapit pa rin kami doon. Kumbaga mga nasa isang kilometro ang layo namin. Sa bagong tahanan namin, may mga nakatira ring iba, hindi tao ngunit ibang nilalang. Madalas silang magparamdam katulad nang may magwawalis, kumakain, naglalakad o naglalaro pero never silang nagpakita sa amin. So okay lang ang bahay. Madalas akong utusan noon sa kung saan saan hanggang sa isang malagim na pangyayari ang naganap. May humatak sa akin na isang lalaki, labis ang pagpupumiglas ko noon at pagtili dahil marahas ito kung makahila masyado sa akin. Iyak lang ako ng iyak nang paghahalikan nya ako sa kung saan saang parte ng aking katawan. Maniwala man kayo o hindi, pumikit ako noon at pagdilat ko wala na ang lalaki na nangbababoy sa akin kundi isang babaeng nakaitim na ang aking kaharap. Nakangiti ito sa akin ng malaanghel at may binubulong na hindi ko mawari. Sa isang iglap bigla syang naging usok at nawala. Hindi ko malilimutan ang araw na iyon dahil simula noon, lagi na akong nakakakita ng hindi normal. Sabi nila, wala nang libre sa panahon ngayon at baka eto ang naging kapalit nung pagtulong. Isang sumpa na hindi ko magugustuhan kailanman. Tungkol doon sa lalaki na nanghila sa akin, sya ang madalas kong makita na nagsasalita mag-isa sa tapat ng kanilang bahay na hanggang ngayon simula nang araw na iyon ay nawawala pa.
DaughterOfDarkness
SJDM, Bulacan
![](https://img.wattpad.com/cover/97104812-288-k129969.jpg)
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!