My Phone,Your Phone

4.4K 83 2
                                        

My Phone, Your Phone

Nangyari to nung grade 4 ako. Binigyan ako ng cellphone ng tatay ko. For communication kasi nga, nasa Manila sya, tapos nasa Batangas kami. dahil bata pa nga, binigay ko kay mama yung phone ko. Nagbakasyon kami sa Lola ko dito sa Pasig. Naiwan si mama sa batangas. sya lang mag isa. dun na pala mangyayari yung una. Tinawagan sya ni Papa ng bandang Alas dos. nung sinagot nya, iba yung boses ng nasa kabilang linya. Hindi sila magkaintindihan kaya sabi ni mama, itext na lang daw sa kanya.

"Magkita tayo sa Balete Drive, Alas tres ng madaling araw"

yan yung sinend kay mama. Nagtaka naman si mama kaya di nya sinipot. sa halip, sumunod sya samin dito sa Pasig. Nagalit si papa pagkauwi nya dito kasi nga, Bata daw yung sumasagot sa kanya sa cellphone ni mama. Napagalitan pa kami kasi baka daw pinaglalaruan namin yung phone. which is imposible kasi diba, nauna kami sa Pasig? tapos sinabi ni mama yung tungkol sa text. sinawalang bahala na muna nila.

sumunod, ito na yung pinakamatindi. dalawa cellphone ni papa. isang sony ericson at isang nokia. Bitbit ko sa kwarto, kung san kami matutulog nila lola, yung phone na binigay sakin ni papa. Alas tres ng madaling araw. tumunog yung Nokia na phone ni papa. nagising sila. pagtingin nila, yung Sony Ericson, tinatawagan yung nokia. paulit ulit na tumawag yun. hanggang sa di na nakatiis si mama, sinagot yung tawag nung sony. pag sagot ni mama, humalakhak yung nasa kabilang linya. tawa ng demonyo. e yung sony ay nakalapag lamang sa unan. pinatay nila yung dalawang cellphone. maya maya, kusang bumukas yung sony at dinadial na naman ang nokia ni papa. nakareceive ako ng text mula sa number ni papa sa Sony, pinapababa ako mula sa kwarto sa itaas. nagpasama ako kay lola kasi matapang yun sya e. pag tungtong ko sa salas, gising yung pinsan kong paslit. may tinuturo sya sa upuang puti.

"ate, may bata o. dami dugo."

kinilabutan ako. pag tingin ko sa gawi ng tinuturo nya, mayroon nga. hindi lang bata. pati isang lalaking mga 30s siguro. nahirapan ako huminga pero dahil sanay na ako, at tinuruan na ako ng lola ko kung pano gagawin pag ganto, sabi ko sa multo, "ano kailangan nyo? bakit kayo nandito?" Pagkasabi ko non, nawala na sila. biglang lumabas sila papa mula sa kwarto nila at nilagay sa altar yung sony ericson. nagtaka sya bat daw kami bumaba ni lola. kinwento ko sa kanya yung sa text at kung ano nakita ko.

nung mag-umaga, binalik na ni papa yung sony sa pinagswap-an nya ng cellphone.

marami pa kong experience. tsaka na.

CTG
Pasig City

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon