Just want to share this story for every barkadas out there.
January 17, 2016 pauwi kami galing sa debut ng isa sa mga friends ko. PITO (7) kaming nakasakay sa WHITE fortuner, open yung mga window kasi trip nilang magsound trip ng malakas. Habang nasa byahe kami ayaw pang umuwi ng isa samin, sayang daw ang outfit nya hahaha. While smoking he's thinking where to go? Bar? Zirkoh? Moa? Hanggang sa pumasok sa isip nya ang TAGAYTAY.
"Tagaytay na lang tayo!"
Nilingon ko sya dahil nasa passenger seat ako. Kami lang dalawa yung nag uusap kasi syempre kailangan ng approval ko. Go lang naman yung mga kasama namin kasi si jowa ang may hawak sa manibela.
"Ha? Ano naman gagawin natin sa tagaytay?"
"STARBUCKS" - sya
Oh dba rk starbucks lang tagaytay pa.
"Lilibre mo ba kami?" tanong ng katabi nya.
"Kkb syempre!" sagot nya.
Ay kuripot pala.
I was thinking parang ayaw ko.
"Wag na, anong oras na (Past 12 MIDNIGHT na so jan.18 na). Hindi naman ako nagpaalam kay mame"
Eh ang kulit gusto ipush.
"Sige na. ROADTRIP lang babalik din tayo agad" - sagot nya
"Nako ayoko wag na" there's this feeling na ayaw ko talaga.
"Sige wag na, may kumokontra, baka mapahamak pa tayo (accident). Ayaw ni (ako)" Madali naman pala syang kausap.
So ok na. Nagwala lang sila kakakanta sa sasakyan. Hanggang sa naihatid na namin sila isa-isa sa mga bahay nila.
Monday morning habang kumakain ako napangatihan kong mag online hindi kasi kami nakapasok dahil napuyat kami. 1am na kami nakauwi galing debut.
May trending news sa fb. "ANIM PATAY SA PAGSALPOK NG KOTSE SA TAGAYTAY CITY" syempre inopen ko. Nashock na ako sa title nung video pero mas nashock pa ako sa laman nung balita at iba pang impormasyon tungkol sa aksidente na yun.
✅TAGAYTAY
✅ROADTRIP
✅WHITE car
✅MIDNIGHT
✅STARBUCKS (Malapit daw kasi dito kung san sumalpok yung kotse at yung netizen na witness ay dun naka-stay nung time na yun)
✅Minors? (Perhaps, 4 kasi kaming mag eighteen pa lang this year pero yung nagddrive nasa legal age na w/ license)
✅Anim(6)? (Yung taong laman nung sasakyan. Plus yung isa (1) pa nilang kaibigan na nagdoubt sumama. Bale PITO (7) dapat silang laman nung sasakyan)Siguro kung natuloy kami ng Tagaytay around 2 to 3am makakarating kami dun dahil sa traffic palabas ng Manila.
COINCIDENCE? Hindi ko alam kung anong irereact ko nung narealize ko lahat ng nangyare that time. I feel so lucky and thankful kasi hindi kami napahamak ng mga kaibigan ko kung sakali man. Pero nakakalungkot lang kasi kung kami man yung dapat nasa sitwasyon na yun at nakaiwas kami, sana wala na lang din pumalit.
From my friends and I, we're sending our condolences to those families and friends of the victims. Even though a year have passed.
PS. INSTINCT? Always trust your instinct. Walang mawawala.
CommanderNo

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HororTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!