Nakakapangilabot din habang nagtype ako nito kase parang meron akong katabi. Kung ikaw ay taga Oroquieta City malamang familiar sa'yo ang Villaflor na pinaka malaking barangay sa lungsod ng Oroquieta. Ako si Paul, oo taga Villaflor ako. Malapit sa mismong sinasabi na Enchanted Invisible Hospital dito sa amin. Marami na din ang naaaksidente dito, taon taon nalang may naitatala na aksidente pero di lahat namamatay sa mismong tapat ng lugar dahil lahat sila eh napunta sa kabilang bahagi ng highway. Actually, ang invisible hospital na ito ang hindi pinaka creepy. Maraming abandonadong houses dito sa Village kaya malamang maraming tumitira at mga multong pagala gala sa gabi.
Ayon sa survivor ng latest accident recorded ay maraming klaseng mga nilalang silang nakikita. Sa labas mismo ng Enchanted hospital ay may napakatandang puno ng mangga. Malaki ito at habang sya'y nagmamaneho, meron siyang nakitang batang tumawid bigla. Umiiyak at may maraming dugo. Bigla niyang naapakan ang foot break ng motor na minamaneho niya at dahilan ng pagkacrash. Humihingi siya ng saklolo sa ambulansyang nasa tapat niya lamang ngunit ni isa ay walang nakinig sa kanya. Habang hindi pa sya nawawalan ng malay ay maraming ambulansya daw umano siyang nakikita at mga doktor sa isang ospital na katapat niya rin lang. Nang isinugod sya sa Provincial Hospital dahil sa saklolo ng mga nakakita niya na nakahandusay ay agad niya itong ikinwento.
Nang balikan ang mismong lugar kinaumagahan ay isang mapayapang bakanteng lote, na may gate na malaki at mataas na kinural ng semento at mapuno ang loob nito. Maraming naninirahan sa mga katabing puno ng lote ngumit ang lote ay tinatawag na Enchanted Invisible Hospital for lost spirits and unidentified creatures. Sa katunayan hindi lamang isa ang makakapagsabi ngunit marami kami. Sari saring espiritu lamang kase na hindi pa natatahimik ang palaging nagpaparamdam, nagpapakita at nanggugulo, Matatandaang ang pinakahuling namatay sa aksidente sa may unahan ng lote ay nanunumpa na paparamihin niya ang maaaksidente at mamamatay sa lugar na iyon bago sya binawian ng buhay.
Pasensya na't medyo hindi nakakakilabot pero totoo po talagay iyan. Maraming salamat sa pagbasa, hanggang dito nalang.
Paul
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
