Sana po mapost to kahit di pa napopost ung 1st story ko 🙂
4 po kameng magkakapatid. Ako panganay (10), si Abby (9) si Nad (5) at si Cj (3) (Yan po edad namin nung nangyari tong ikekwento ko).Taga Marikina po kame pero nung namatay ang papa ko (dahil sa leukemia), napagdesisyunan ng Mama kong tumira kame sa probinsya nila, sa leyte. Dahil na rin sa kapatid kong may sakit na pneumonia, si Abby.
Yun nga April 2004, umuwe kame ng Leyte. Natuwa naman kame dahil bumubuti ang lagay ni Abby sa tulong na rin siguro ng sariwang pagkain at sariwang hangin sa probinsya. Akala namin ok na lahat. Aug. 24, 2004 namatay si Lola Coring (Nanay ng lola ko) dahil na rin daw sa katandaan. 94 yrs old na sya nang mamatay. Pumupunta naman kame nila mama at ng mga kapatid ko since ilang bahay lang ang layo namin sa kanila, nakikipaglamay kame. 5 days din syang ibinurol. 3 araw matapos ang libing ni lola Coring, namatay naman si Lola Paping (Panganay na kapatid nila lola, anak ni lola Coring). May sakit sya nung time na yun, sa pagkakaalam ko breast cancer (Sorry di ko na maalala). 5 days din ang burol ni lola Paping. Nung huling gabi ng lamay, ang daming tao. Since last night ng lamay na pumunta kaming mag anak. Ngunit habang nagbibingo si Mama ay nilapitan sya ni Aling Ising (Matandang kapitbahay namin).
Aling Ising: Meri! Bakit naman dinala mo pa rito si Abby, alam mo bang masama yun? May sakit pa naman si Abby. Pamahiin yan.
Mama: Ah ganun po ba. Pasensya na po, hindi ko naman po kasi alam na bawal. Tsaka hindi ho kasi ako naniniwala sa mga pamahiin. Tingnan nyo po si Abby, masigla na po sya, para ngang wala na syang sakit.
Aling Ising: Hindi naman sa nakikialam, pero di naman masama sumunod minsan sa mga pamahiin. 2 beses na kayong namatayan ng kamag anak ngayong taon. Sukob sa patay yan! Tapos may sakit pa si Abby at di mo masasabing tuluyan ng magaling, isinama mo pa dito sa burol. Iba lang kasi ang nag iingat.Dali dali kameng magkakapatid na hinila ni Mama pauwe, matapos ng pag uusap nila Mama at Aling Ising. Kinabukasan nga inilibing na si Lola Paping. Ilang araw lang ang lumipas parang bumabalik ulit ang sakit ni Abby, nanghihina sya at ubo ng ubo, halos di na makakain. Isinugod namin sya sa ospital ngunit sabe ng doctor ay wala na daw syang pag asa, kumbaga may taning na buhay nya. Napakasakit para samin ung sinabe ng doctor. Ang tanging nagawa na lang namin ay magdasal at umasa sa himala. Sept. 7, 2004,10:47 pm tuluyan ng nawala sa amin si Abby, sobrang sakit at halos di namin matanggap. Minsan kong sinisi si Mama sa isip ko. Kung bakit ba naman kasi di sya naniniwala sa pamahiin, baka kung di nya sinama si Abby sa burol eh baka hanggang ngayon buhay pa si Abby. Pero kitang kita ko rin ang hirap at sakit na dinanas ni Mama nung kinuha samin si Abby. Narealize ko na wala namang may gusto sa mga nangyari. Kinabukasan ay inilibing agad si Abby, pamahiin din kasi na dapat ay ilibing agad para wala ng sumunod at maputol na ang sukob (Nung time na yun kasi may sakit din ang lolo ko). Kahit gusto pa sanang iburol ni Mama si Abby ng ilang araw para makasama pa namin sya sa huling sandali. Sa awa ng Diyos wala na namang sumunod pagkatapos ng kay Abby.
Pasensya na napahaba hehe 😉 Sana ngustuhan nyo kahit di nakakatakot. Sensya medyo magulo.
Lesson learned: Hindi masamang maniwala o sumunod paminsan minsan sa mga pamahiin.
PS. Papa ko namatay Aug.6, 2003 (08-06-03)
Si Abby Sept.7, 2004 (09-07-04) pansin nyo ? Magkasunod ung numbers nila? Wala share ko lang 🙂 Salamat.Myang:)
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!