Haunted??

1.6K 26 0
                                    

haunted????

Hi!! Bago lang po ako dito. Ngayong sem. Break lang ako nagkaroon ng time na tumambay dito

Hindi ko alam kung ano ang kababalaghang nangyari sa likod ng aming karanasan sa province kung saan ako lumaki (taga cordillera po ako to be specific sa ifugao). Grade 4 ako nung nangyari yung at hanggang ngayon naaalala ko parin ang lahat (uhmmm ngayon Grade 11 na po ako).

So eto na po..

its already 5:00 nung napagpasyahan kong pumunta sa bahay ng kaibigan ko which is malapit lang sa amin. Hindi naman talaga bahay yun kasi nagungupahan lang sila sa buong bahay na yun. Mapapansin mo rin na matagal na yung bahay. So sakto nung andun si ate jim di tunay na pangalan kasama ng nanay niya na nurse. Syempre dahil magkakakilala lang naman kami basta lang akong pumasok at tinawag si ate jim. Sakto namang naglalaro siya ng scrabble kaso di ki naman alam pano maglaro kaya nagpaturo na lang ako. Habang naglalaro kami biglang sumigaw si tita almin.

""Maghugas nga kayo ng paa dumi dumi ng paa niyo tapos jan pa kayo maglalaro sa kama. Bilis maghugas na kayi dun""

Syempre alam kong ako ang gusto nyang pagsabihan nun kaya lumabas kami ni ate jim para maghugas ng paa. Nakita kong lumabas ng bahay si tita at tuluyan na ngang pumunta sa baba (baba kung saan magpapatayo ng sariling bahay sina tita). So dalawa na lang kami ni ate jim sa loob ng bahay. Kasi nga masyadong maalaga si tita sinabihan niya yung mga anak niya na gumamit ng inside slippers. Ako naman ayun nga nga wala akong magawa eh kaya hinintay ko na lang siyang ayusin yung inside slipper niya sa tabi ng pinto. Syempre  dahil dalawa kami linock namin yung lahat ng pintoso kaming dalawa lang talaga sa loob habang nakikipag karere yung gabi sa araw . Maya maya niyaya niya akong lumabas ng bahay nila kasi nababagot daw siya sa loob kaya pumayag ako. Nung nasa tapat na kami ng pinto hinanap namin yung inside slippers niya kasi nawawala imposible namang mawala yun kasi nakita ko mismo na linapag niya yun sa tabi ng pinto. Sa hindi namin maipaliwanag na dahilan nakita namin yun sa 2nd to the last na step para marating mo na ang 2nd floor nang bahay so symepre natakot kami kasi pano yun pupunta yun doon tapos yung position nung isang slipper yun ba yung parang pahakbang na dapat. Dahil sa sobrang takot namin tumalon na kami sa may bintana sabay takbo papuntang bahay namin. Hindi man namin maipaliwanag yung nangyari doob pero may history din kasi yung bahay kung bakit may mga nakatirang di nakikita sa bahay na yun

Masyado nang mahaba tapos inaantok na rin ako ...saka na lang yung history
sana talaga sana

drama queen
pasay city

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon