Bagyong Sendong

2.4K 45 0
                                    

Bagyong Sendong, first night.

December 17, 2011 nung tumama sa northern Mindanao ang bagyong sendong. Lubos na naapektuhan ang Cagayan de Oro at Iligan. Ako po ay taga iligan city at eto po ang experience ko nung unang gabi pagkatapos ng sendong.

December 16 pa lang ay maulan na talaga sa Iligan pero dahil signal number 1 lang ang bagyo, walang masyadong naging paghahanda ang mga tao. Hanggang hindi na namalayan na mataas na pala ang tubig sa sapa, naputol na ang tulay dahil sa mga trosong bumabangga dito. Kami naman ay iniwan lahat ng gamit pati aso namin naiwan (Meron din akong kwento tungkol sa aso naming survivor ng bagyong sendong). Doon kami nagpalipas ng gabi sa aking tita na kapitbahay lang pero nasa mataas sila na bahagi ng barangay. Fast forward, kinaumagahan humupa na ang tubig sa kalsada at wala na ang bahay namin, washed out kami, back to zero. Hindi na kami nagdrama nun kasi ang importante ligtas kaming lahat, marami din ang mga bangkay na nakahilera sa daan kasi baka merong makakilala at kunin ang labi.

Pinalipas nalang namin ang buong araw sa pamumulot ng mga bakal at bubong ng bahay para may maibenta sa junk shop, kasi yung savings nina mama at papa tinangay din ng baha.

So ayun gabi na, pinatuyo lang namin ni papa yung malaking plywood para meron kaming mahigaan sa pagtulog. Dun lang kami natulog sa kalsada pero hindi sa open area, dun kami sa isang corner na medyo komportable na para sakin compared sa open area which is ang lamig.

Mga 2am ata nung nagising ako, ang ingay ng mga tao. Marami sila na parang may umiiyak, sumisigaw, humihingi ng tulong etc. Akala ko nun ay mga tao lang na nagluluksa pero nagduda ako dahil panay ang tahol ng mga aso, pero dahil pagod nakatulog din naman ako ulit.

Kinaumagahan ay nacurious ako bakit nakikipag usap si mama sa iba pang taga barangay. Nakikinig lang ako sa kanilang pinag uusapan at sabi nila if meron ba raw kaming narinig na ingay kagabi. Sumagot naman si mama ng oo, nagising din pala si mama pero di din nya tiningnan kung saan galing ang ingay. Tapos natakot talaga ako nung sinabi ng kapit bahay namin na wala daw syang nakitang tao sa may tulay pero meron syang naririnig na mga boses.

Eto ang 1st creepy experience ko pagkatapos ng bagyong sendong, meron pa akong iba pero next time na yun 🙂

Eight

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon