The playful woman
Share ko lang naexperience ko noong around 2009, mga 3rd yr. Highschool ako noon, nakatira kami sa taytay rizal malapitcsa tikling may isang subdivision dun cielito homes ung name ng subdivision, then nkaugalian ko kasi gabi gabi na bumili ng yosi sa malapit sa amin (at that age kasi ngyoyosi na ako), then palagi pang wala ang mga parents ko kasi sa trabaho nila,
Ayun balik sa kwento isang gabi naiwan ako sa bahay ako lang magisa umalis kasi ung kuya ko, pumunta siya sa gf nya sa binangonan, nanunood ako ng TV at that time ng bglang naisipan ko na bmili ng yosi, parang tatlong bahay lang ang layo nung tindahan sa bahay nmin, pero palaging nsa loob ung nagtitinda so kelangan ko pang magdoorbell, after nun ngdoorbell ako mga 5 times nako nagdodoorbell pero hindi pa din lumalabas si nanay( kaya nanay kasi matanda na yung tindera) nang bigla akong may napansin mga around 11:30pm yun, sa may isang bahay may isang babae na nakaputi na mahaba ang buhok at hindi ko mkita yung mukha nya pero napansin ko sobrang puti nya at nakatayo lang cya sa may poste ng mga 3 mins. Tapos bigla na siyang nglakad papunta sa isang eskinita, yung eskinita na yun ay dead end at wala kang lalabasan kung hindi sa pinasukan mo kasi likod bahay yun ng kapitbahay namin, npansin ko wala siyang dalang ilaw at tsaka dredretso sya, so nacurious ako at bigla kong sinundan, gmit ng ilaw ng cellphone ko iniilawan ko ngunit nawala yung babae so nagtaka ako, at kinilabutan na kasi ang meron lang sa eskinita na yun ay yung puno ng ""kaymito"".After kung sinundan bumalik ako sa tindahan at tumatayo padin yung balahibo ko, nagdoorbell ako at nakatingin lang ako sa eskinita, biglang ngsalita na ""iho ano iyon?"" ayun nagulat ako kay nanay, at nakita niya yung mukha ko na namumutla ako, tnanong nya ako at knuwento ko ang nangyari, sumagot si nanay na ""hala! Iho napaglaruan ka din, may isang babae talaga noon na nmatay dito at hanggang ngaun ay nagpapakita siya"" at nagkuwento si nanay na minsan ay pumapasok daw yun sa ibang bahay, so kinilabutan ako kasi pagumuwe ako, ako lang mgisa ang nsa bahay so nkiusap ako kay nanay na mgkuwentuhan muna kami at buti pumayag si nanay.
Mga after 30 mins. Dumating ang kuya ko at knuwento ko ang nangyari at natawa lang siya.
Mga after ng 3 days, palagi nagagalit si mama kay kuya kasi late si kuya ntutulog at siya ang naiiwan na gising sa bahay kalimitan, At palagi daw naiiwan ni kuya n bukas ung ilaw sa likod bahay at sa harap, nagtataka nman si kuya kasi tanda niya na pinapatay nya yun. Isang gabi sabay kami ntulog ni kuya at tinape nmin ung mga switch ng ilaw at laking gulat namin knabukasan nakabukas at sira ung tape. Hindi namin alam kung panu nangyari.
After ng nangyari yung undoy na bagyo umalis kami sa bahay na yun, dahil sa minalas kami at bumagsak din business ng mga mgulang nmin. Basta ang natatandaan ko ay yung kinuwento ni nanay na palagi daw nang gagambala yung babae na yun.
Psensya na sa pagkakakwento ko hindi ako msyado mrunong magsulat at salamat sa oras.
jayden
Cainta/rizal
![](https://img.wattpad.com/cover/97104812-288-k129969.jpg)
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!