Sino Siya?
this happened way back in 2013 . 1st year college ako that time.
Nag overnight ako sa apartment nang classmate ko na si Trish.
Meron kasi kaming dapat tapusin na project na kinabukasan yung deadline, hindi pwede sa bahay namin kasi magulo, madaming tao, meron kasing mga kamag anak yung mama ko na doon muna makikitulog
so yun.Pagkatapos nung last class namin nung araw na yon 7:30, kumain muna kami sa labas at dumiretso na sa kanyang apartment.
Wala namang kakaiba sa apartment ni Trish. Maaliwalas naman yung paligid.
Doon niya sinabi na kakalipat niya lang pala a week ago. Sabay daw niya yung pinsan niya na next month pa raw lilipat dahil masyado pang busy para mag impake .
""Baka merong multo dito ha."" biro ko pa.
""yun nga eh, minsan parang may feeling ako na merong nakatingin sa kin ""sagot niya""naninibago lang siguro ako noh?""Pagkatapos nun, inasikaso na namin yung project namin.
Dalawang oras ata yung lumipas nung tumayo si Trish at nagpaalam na kukuha raw nang makakain sa ref. Nasa loob kasi kami nang kwarto niya.
Yun lumabas siya, after mga 5 minutes siguro, narinig ko si Trish
""Pakidala nga nung cellphone ko dito"" sabi niya. Galing yung boses niya sa labas.
Hinanap ko yung cellphone niya pero di ko makita, so pinuntahan ko siya sa kusina.
Nakita ko siyang nag lalagay nang mayonaise sa loaf bread gamit yung kutsara.
""tamang- tama tatawagin na sana kita para mag merienda"" sabi niya
""San mo ba nilagay yung cellphone mo? hindi ko makita."" tanong ko
""dala dala ko kaya tong cellphone ko"" kinuha niya yung cellphone niya na nakapatong lang pala sa mesa at ipinakita sakin.
""bakit makiki-tawag ka ba?""
""ha? diba sabi mo kanina na kunin ko yung cellphone mo?"" sagot ko
dun na ko napangiti,
""teka nagbibiro ka ata, akala mo matatakot mo ko?""
Palabiro kasi si Trish kaya naisip ko na baka tinatakot niya lang ako. Kumuha ako nang tinapay at sinabing babalik na ko sa kwarto.
Tiningnan niya lamang ako na para bang naguguluhan.Mga 12 na ata kami natapos. Sinabi ni Trish na matutulog na siya kasi inaantok na raw, nagpaalam ako na manonood muna nang tv sa sala.
Nakasanayan ko na kasing matulog nang alas dos. Palipat lipat ako nang mga channel hanggang sa nakita ko yung Lord of the Rings at kasisimula palang
kaya nag decide ako na yun nalang ang panoorin. Malayo layo narin ako sa movie nung may parang narinig akong naglalakad sa may likuran pag lingon ko sure ako na nakita ko si Trish.
Parang L kasi yung shape nang apartment ni Trish. Pagpasok mo yung sala ang sasalubong sayo, yung sofa nakaharap sa pintuan, habang yung tv set ay nasa left side nung pintuan
tapos makikita mo yung kwarto straight lang nung sala,
yung door nang kwarto is nakaharap sa rightside papuntang kusina sa dulo nun merong CR.
Pupunta siguro nang CR naisip ko. Totoo nga kasi narinig ko yung pintuan nang cr na nag close.
Pero nagtaka ako kasi di ko man lang ata narinig yung pintuan nang kwarto niya na nag open. Nadala lang siguro ako sa pinanonood ko naisip ko.
Nag focus ulit ako sa palabas pero parang di na ko mapakali.
20 minutes ata yung lumipas wla parin akong naririnig na bumukas yung door sa CR. Dun na ko kinabahan, kung ano ano na ang pumapasok sa isip ko.
Baka na slide sya at tumama yung ulo sa sahig nung CR at nawalan nang malay. Dali dali akong pumunta sa CR. kinatok ko yung pinto at paulit ulit
syang tinatawag pero di siya sumasagot, Inikot ko yung door knob, hindi naka lock. Binuksan ko agad yung pinto.
Laking gulat ko na wala siya sa loob nang CR. Tumakbo ako papuntang kwarto at yun nga, nakita ko si Trish na nakahiga sa kanyang kama tulog na tulog.
Doon na ko kinilabutan, sinubukan kong gisingin si Trish pero ayaw talaga. heavy sleeper nga kumbaga. dali dali akong umakyat sa taas
(double deck yung kama) at nagtakip nang unan sa ulo. Di ko na maalala kung gaano katagal bago ako nakatulog.
Nagising ako nang may maramdaman akong pumipisil sa ilong ko. Pagdilat ko nakita ko si Trish sa gilid na tumatawa, ""gising na"" sabi niya
""teka lang"" yun ata yung sinabi ko tapos pinikit ko ulit yung mga mata ko para matulog at the same time narinig kong bumukas yung pinto.
Nagtaka ako dahil parang ambilis naman ata nakalabas ni Trish eh kasisilip pa lang niya sakin kanina dito sa taas. Napabalikwas ako.
Pagtingin ko sa baba nakita ko si Trish kapapasok lang, mayroong towel sa ulo.
Kinilabutan na ako.
""San ka galing?"" tanong ko. nanginginig na yung boses ko nun.
""edi sa Cr, kali-ligo ko lang bakit?""Hindi ko na siya sinagot bumaba agad ako at nagpaalam nang uuwi dahil masama yung pakiramdam ko at magkita nalang kaming mamayang hapon sa klase.
Sinabi ko lahat nang nangyari kay Trish at buti nalang naniwala naman siya at umalis na siya doon sa apartment at nakumbinsi niya rin yung pinsan niya na
maghanap na lang nang ibang malilipatan .
Pero ang nakapagtataka, wala namang mga kakaibang karanasan si Trish kahit siya lang mag-isa doon.
Kinikilabutan parin ako hanggang ngayon kapag naaalala ko ito.
alam kong hindi si Trish yung gumising sakin.Berg
Davao

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!