Sa Gitna ng Disyerto.
First time kong sumulat dito kasi wala akong magawa dito sa work ko. Anyway, share ko lang yung nangyari sa akin dito sa UAE. Sa Pinas pa lang may mga nararamdaman na akong mga kakaibang nilalang so di na bago sa akin. Pero nung nagpunta ako dito mas lalo akong walang pakialam di ako takot oo, pero weird lang. Di naman gaanong nakakatakot to pero sana mabasa ng marami.
Me and my boyfriend was driving from Al Ain to Abu dhabi. 2.5 hrs lang naman ang byahen. Galing kami sa isang birthday party ng pinsan nya, ang boyfriend ko nga pala ay Arabian kaya di masyado naniniwala sa mga ganitong storya.
So ganito ang nangyari:
Around 2:30am pauwi na kami galing sa pinsan nya. Antok na antok na ako nun habang nag uusap kami sabi nya magshortcut daw kami para makauwi kami agad. Sabi ko sige lang. From main road dumaan kami sa disyerto. Oo puro buhangin kasi dadaanan pauwi. Madilim yun at walang ibang ilaw kang makikita kundi ung ilaw from main road na masisilayan mo pa rin. Hanggang sa makakita kami ng isang malaking bahay sa gitna ng disyerto. Ang weird nga eh, sabi ko kasi ang ganda ng bahay. May bukas kasi na ilaw sa loob ng bahay kaya mapapansin mo talaga sya. At ayun lang ang tanging bahay na nandun sa lugar na un. Nang makalagpas kami sa bahay na un nagulat kami nang bigla na lang namatay yung sasakyan namin. As in dahan dahan syang namatay pati ang ilaw. Lumabas ang boyfriend ko para tingnan kung ano ang sira kasi hindi nya mastart ang kotse. Ako naman ay nasa loob ng sasakyan at nag aantay. Winter dito nuon nang mangyari un kaya sobrang malamig ang panahon. Akala ko normal lang kaya chill lang ako sa loob. Hanggang makita namin ang apat na batang naglalaro sa harap ng kotse. Doon medyo nagulat talaga ako. Almost 3am na that time at nagtataka ako bakit sila nasa labas pa. Pero nang tumalikod sila, doon namin nakita ang mga buntot nila. As in bes tumayo lahat ng balahibo ko. Natakot na ako at ang boyfriend ko. Naglalaro sila sa harap ng sasakyan. Hanggang sa pumasok si boyfriend sa loob at nagdasal kami at bigla nalang nag tart ang kotse ng di nya ginagalaw. Kaya minaneho nya agad ito at bigla kaming umalis sa lugar na un at bumalik sa main road. OMG habang kinukwento ko to tumatayo pa rin ang balahibo ko. Kaya kapag bumabalik kami sa pinsan nya di na kami nagshoshortcut.
Salamat sa pagbabasa ng munting kwento ko. Actually, marami pa akong karanasan sa pinas pa lang. Ishare ko minsan sa inyo.
Kim
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
