LADY IN BLACK
Hndi ko na matandaan exact date , pero tantya ko that was 7 years ago . Alas tres ng madaling araw lumabas ako ng bahay para magsampay sa bakuran ng aming kapit bahay . Normal na sakin maglaba ng madaling araw noon dahil maraming gawa saamin kapag umaga . Habang nag sasampay ako may napansin akong isang matandang babae na nakatayo sa dating bakanteng lote na emission testing center na ngaun . Naka kulay itim na damit , may suot na belong itim at may hawak na tungkod at bayong na itim . Naka tayo at nakatitig sa bahay ng kapit bahay namin sa kabilang eskinita na waring kala mo ay may inaantay . Mga ilang minuto ko rin syang pinagmasdan pero nakatayo lang tlaga sya at hndi ko nakita o naaninag ang muka nya , mula sa kinaroroonan ko nakatalikod sya saakin at nakaharap sya sa kabilang eskenita . Kinabukasan, namatay ang batang nakatira sa mismong bahay kung saan sya nakaharap , habang naglalaro ng bola tumawid ito at nasagasaan na agad ring binawian ng buhay .
Sa burol ng bata kung saan merong pinag uusapan ang mga matatanda bigla kong naikwento ang nakita ko noong gabing yon na sya namang nakita rin ng isa pa naming kapit bahay , na kasalukuyang nag lalabas ng basura noong mga oras na yon . Parehong pareho ang kwento namin sa oras at sa lugar kung saan sya nakatapat . Ang bata ay panglima na sa mga namatay sa loob lamang ng ilang buwan .
Araw lang ang nagdaan , isa pa naming kapit bahay ang nakakita nanaman sa matanda , nakatayo sa dating tindahan ni ate lani at nakaharap sa bahay nila ate lita , kinabukasan , binawian naman ng buhay ang anak ng may ari ng bahay sa hindi malamang kadahilanan na sya namang pinangambahan ng lahat sa amin .
Kung saan tumapat ang matandang naka itim ay tiyak may mamamatay ! .
Nagsagawa ng isang malaking pamisa ang aming baranggay na inumpisahan sa bahay nila ate lita paikot sa buong baranggay ! Walang nakaka alam kung sino ang matanda pero sa tuwing nagpapakita ito ay tiyak na may mamamatay .
Simula ng magsagawa ng isang misa sa amin, unti unti nang bumalik sa normal ang lahat . Wala nang sinundo ang matanda at naging panatag na kaming lahat .
Isa ito sa mga pangyayaring hinding hindi ko malilimutan buong buhay ko . Ikaw ba naman , makita mo yung sinasabing kulto/sundo na kahit kailan ni hndi mo inaasahang makikita mo sa buong buhay mo .
Magandang Gabi po ! GODBLESS US !
- R.R SAMPALOC MANILA
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!