Vacuum

2.6K 49 1
                                    

Vacuum

Akala ko masaya yung walang kasama sa isang lugar. Dun ako mas sumasaya, yung alone ako pero may music na kasama. Akala ko mas okay yon, pero nakakapagsisi pag naaalala ko ang lahat.

Minsan na rin akong nakabasa ng mga bagay na katulad nito, may hawig pero hindi naman sobra. Hmm, tawagin niyo nalang akong 'faye', hindi ko tunay na pangalan. Sa may gawing QC, may lugar doon (hindi ko na papangalanan) na kalimitan ay puro boarding house o paupahan. Minsan akong nagrenta ng dorm doon. Maswerte ako dahil may parang pagka-organize ang itsura. Nung una syempre, wala kang creepy na presence na mararamdaman pero nung nakailang buwan na, dun na nagsimula ang lahat.

Panahon noon ng July, simula ng unang sem. Hindi naman stressful kaya parati akong maagang umuwi at hindi naman kaagahan kung umalis. Kada lalabas na ko ng dorm, nga pala, mag-isa lang ako dahil introvert nga ako. Kada lalabas ako, palaging tumitingin sakin ang mga kalapit-dorm ko. Nung una, naisip ko na baka nagtataka sila dahil nag-iisa lang akong nagrerenta doon at hindi 'yon kayang bayaran ng mag-isa lang. Halos anim na libo kasi ang bayad doon. Kada ila-lock ko na ay bigla silang dadaan sa likod ko at magbubulungan. Nung una, binalewala ko pero noong mga ilang buwan na, nakakaramdam na ako. Yung para bang may dadaan sa likod mo at aayusin ang buhok mo at ilalagay sa kabilang balikat mo kada nag-aaral o kumakain ka? Masyadong nakaka-alarma.

Isang linggo bago mag-semestral break, isasarado ko na sana ang pinto ng dorm ko nang makita ko ang janitress na tiyak ko na nasa sisenta na ang edad ay lumapit saakin. Tinanong niya kung may kasama ba raw ako sa kwarto. Ang sagot ko naman ay wala. Nang marinig ko ang mga sinabi niya, naging balisa ako hanggang makarating sa eskwelahan.

Sinabi niyang may naririnig siyang nagpapatugtog ng radyo sa loob ng dorm ko, minsan din ay may parang nagvavacuum at minsan may maririnig ka pa raw na nagpupukpok o nagrerepair na kung ano. Nagulat ako, never pa kong nagvacuum o gumamit ng martilyo sa dorm ko kahit meron ako at nung pagka-uwi ko nga.

Ako na mismo ang nakarinig, may nagvavacuum sa loob. Dahan-dahan kong sinaksak ang susi at nakita ang hindi ko dapat makita, nakita ko si lolang janitress, ginagamit ang vacuum ko at may mga turnilyo at kahoy na nakalagay. P*t*ng*n*.

Agad akong dumiretso sa landlady ko. Sinumbong ko ang janitress na lolang iyon at sinabi niyang 'Iha, seryoso ka? Never akong umupa o nagpapasok ng matandang janitress sa dorm na ito. Hindi ka ba nananaginip?'

Arci Muños

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon