Love story
Hi spookify sana maipublish nyo po ang hindi ko kahabaang story. Actually marami akong unforgettable scary experience nung bata pa ako since palipat lipat kami ng bahay dahil sa trabaho ng papa ko. Head kasi sya ng security agency at kung saan sya maasign syempre bitbit nya kami ng mama ko. Isang anak lang ako at may alagang isang aso na regalo sa akin ng aking dating kaibigan. Hindi pa ako nag aaral that time at hindi ko na rin marecall ang lugar dahil sa dami na ng nilipatan naming bahay. Ang set up ng bahay na inupahan namin that time ay may dalawang kwarto, dun kami ng mama at papa ko sa maliit na kwarto. Habang ang dalawang pamilya naman ay nagseshare sa mas malaking kwarto. Ang isang pamilya ay may isang anak na halos kaedad ko lang at ang isa may baby pang anak. Hindi ko sila masyadong nakikita dahil ang mama ko ay bihira akong palabasin ng kwarto. Nung una wala naman akong nararamdaman na kakaiba hanggang sa isang araw nakita kong tumatahol ang aso kong si ewoks sa kusina. Nakaharap sya sa lababo ngunit wala namang tao dun, tinawag ko sya pero sige pa rin sya sa pagtahol hanggang sa kinuha ko na sya.
Pagpasok ng mama ko tinatanong nya ako kung bakit ang ingay ni ewoks baka may natutulog. Sabi ko may tinatahulan sya dun, sabay turo malapit sa lababo, hindi kumibo ang mama ko. Pero nagtataka ako sa reaksyon nya kung bakit parang natakot sya, hanggang dumating ang isang araw. Tinawag ako ng mama ko sa kwarto, sinabi nya bantayan ko daw sa kabilang kwarto si baby kasi natutulog daw. May pag uusapan lang daw sila ng mama ng baby. Nagtataka ako kasi mama ko ang nagsabi na wag akong pupunta sa kabilang kwarto dahil baka makaistorbo ako sa kabilang pamilya, but of course sumunod ako. Dahil gawa lang naman sa manipis na plywood ang pader ng mga kwarto nauulinigan ko ang pinag uusapan nila. Hanggang sa narinig ko ang mama ko 'Wag mong iiwanan mag isa ang anak mo lalo pat baby yan. Kung may ggwin ka tawagin mo ako babantayan ko'. Pagkatapos sumilip ang mama ko sa kwarto, sabi nya sa akin 'Tulog pa ba?' Sagot ko 'Opo ma' 'Wag ka maingay dyan ha kasi baka magising ang baby'. Sagot ko 'Opo ma'. Kahit larong laro na ako sa labas binantayan ko pa din si baby na nasa duyan. Nakaupo ako sa kama at nakatingin sa duyan nang biglang gumalaw ang duyan sa harap ko (Kinikilabutan ako habang nagkkwento) at nauntog ang baby sa pader. Umiyak ang baby pero mas malakas ang iyak ko habang nagsisisigaw 'Mama, mama, mama!' Tumatakbo silang pumunta sa kwarto sabay tanong anong nangyari. Nung time na yun magkahalong takot sa nakita ko at takot na mapagbintangan ako na nagpaiyak sa baby ang naramdaman ko. 'Gumalaw, gumalaw syang kusa, ang lakas' sabi ko habang umiiyak. Kinuha ng mama nya ang baby at pinalabas ako ng mama ko sa kwarto sabay yakap sakin.
Kinagabihan nagpatawag ng albularyo ang mama ko, sinundo pa ng papa ko yun galing sa malayong lugar. Alam ko nagdalawang sakay pa sya ng jeep. Pagdating ng albularyo nag usap sila ng mama ko, nagtago ako sa likod ng kurtina para makinig. Dun ko nalaman na ang mama ko ay marami na palang nakakatakot na experience. Minsan naglalaba daw sya nang biglang lumakas ang volume ng radyo. Nang hinaan nya raw lalo pang lumakas kaya pinatay nya pero pagtalikod nya tumugtog na naman daw ng napakalakas, kaya binunot nya sa saksakan. Minsan naman daw habang nagluluto sya hininaan nya ang apoy ng kalan dahil nag-iinin nalang ang kanin. Nang biglang sumiklab daw ang apoy, kinwento nya din ang pagtahol ng aso ng wala naman tinatahulan at ang pag ugoy ng duyan. Natatakot ako sa naririnig ko kaya pahigpit ng pahigpit an yakap ko kay ewoks. Hanggang sa nagsalita ang albularyo. May malakas daw na espirito sa bahay na tinitirhan namin, galit daw sya, galit na galit. Umikot sya sa bahay namin na may mga nilagay na kandila sa mga sulok. Hanggang umupo sya, eto ang mga eksaktong sinabi nya.
'Nakakalungkot, nakakalungkot.
Nung unang panahon may isang babae, maganda sya, galing daw ang babaeng iyon sa mahirap na pamily. Nagkaroon sya ng dalawang masugid na manliligaw, ang kababata nya at isang mayamang lalaki. Kalaunan pinili nya daw ang kababata nya at sinabi sa mayamang manliligaw na maging magkaibigan nalang daw sila. Sa araw ng kasal nya, kinidnap daw sya ng mayamang manliligaw. Dinala daw sya sa isang lugar at paulit ulit na ginahasa, pagkatapos inilibing daw sya sa isang matalahib na lugar. Ang matalahib na lugar daw na iyon ay ang lugar namin ngayon na marami ng bahay at ang pinakagitna daw ng bahay namin ang pinaglibingan sa kanya. Nilibing daw sya ng nakasuot ng sira sira nyang pangkasal. Humihingi daw sya ng hustisya at gusto daw nya malaman ng kababata nya na dapat papakasalan nya kung anong nangyari sa kanya.
Sa takot ng mama ko kinabukasan lumipat agad kami ng bahay. Hanggang sa nabalitaan namin ipinabutas daw ng may ari ng bahay ang gitna ng bahay, may ipinahukay daw sa gitna ng bahay at pinabless daw..
The end. Sana nag enjoy kayo.
Bashing
Quezon city
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!