Kwento ni manong

2.6K 52 0
                                    

Mga Kwento ni Manong Guard

Good morning spookifiers! Kwento to ni manong guard kung saan dati akong nagwowork. Sa may bandang libis ang building. Graveyard sya naassign gaya din namin ng shift. Pag magkakape kami at magbbreak, kadalasan tatambay kami sa may lobby kung san dun nagbabantay si Manong Guard. Madalas din kami makipagkwentuhan sa kanya.

Isa sa kwento nya yung kapag pauwi na kami at wala ng tao sa mga station namin bigla nalang daw silang makakarinig ng may nagtatype pa sa keyboard. Bigla pa daw magbubukas yung monitor pag lalapitan na nila para icheck kung may naiwan pang empleyado at wala na daw ni isa na naiwan. Papatayin nalang daw nila yung computer pero kapag papalabas na sila bigla na namang tutunog yung keyboard at magbubukas ang monitor. Magkakatinginan nalang daw sila ng kasama nyang guard at kahit na natatakot papatayin nalang nila ulit yung computer.

Tapos kumalat din yung sinasabi nilang sumasabay na mag ina sa elevator pag madaling araw. May nagsabi na daw sa kanila non na sinabayan na, sasakay daw yung mag ina galing ng 9th floor tapos bababa hanggang dun sa lower ground floor. Nagcheck sila sa cctv pero wala silang nakitang mag ina pero may isang empleyadong tila may kinakausap pero mag isa lang sya sa elevator.

At meron pa daw na nagulat sila at kinilabutan nang nag log in at pumasok yung isang empleyadong kakamatay lang. Normal na normal daw to at binati pa sila bago pumasok ng opisina. At dahil sa trabaho nya kahit gustong gusto na daw nyang umalis at tumakbo pinigilan nya sarili nya dahil eto yung trabahong naiatang sa kanya.

Saludo po ako sa inyo Manong Guard. May God always be with you.

Angel Mom

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon