Bata
Hello po, first time ko pong mag post dito and I want to share this 'creepy' story.
Isa akong student somewhere here in Baybay, Leyte. Simula pa lang nung bata ako, minsan 'daw' nakakakita na ako ng mga unexplainable things. May kaibigan raw ako dati sa may manggahan kaya ipinanutol kaagad nila mama, at nakita ko daw yung kaluluwa ng pinsan ko na lumulutang.
Eto na yung story about dun sa bata. Grade seven ako nung nangyari 'to. One of our schoolmate shared about dun sa batang multo na nakita ng adviser namin noon. Around 6 ng hapon kasi, bumalik si ma'am sa school para kunin yung naiwan nyang lesson plan. Nung nasa may room sya ng Grade 7, may nakita daw itong bata (na elementary student) na umiiyak kaya lumapit si ma'am at tinanong ito kung bakit di pa ito umuwi. Bigla na lang daw tumakbo yung bata patungo sa likuran ng room. Kaagad namang pumunta si ma'am sa guard house at inutusan yung guard na puntahan yung bata. At pagbalik nung guard, sinabi nyang wala naman daw bata doon.
Akala ko si ma'am lang ang nakakita noon, di lang pala sya. Nakita rin ng isang teacher na nasa clinic daw tumatakbo patungo sa cr. Pati yung bata nakita ko rin.
T.L.E yung subject namin nung time na yun, mga 3 ata ng hapon. Nags-story lang yung teacher namin nun kasi tapos na syang maglecture. Nabobored ako kaya tumingin ako sa may bintana, tumingin ako sa may puno ng mangga na nasa gilid ng science laboratory. May nakita akong bata na maputi, naka school uniform kagaya ng sa uniform ng elementay school dito sa amin, at tumatakbo galing sa manggahan patungo sa puno ng langka. Tumigil sya saglit at tumakbo ulit tas biglang nawala. Napakurap ako at nagulat. Nagtataka ako kung bakit sya nakakatakbo dun eh delikado yung daan dun, mahuhulog ka pag di ka nag-iingat. Bigla kong naalala yung bata na nakita ng teacher namin at bigla nalang tumayo ang balahibo ko.
Simula pa lang daw talaga noon, nakakatakot na yung school namin, at maraming scary experience ang mga na-eexperience ng mga ibang students dito at may sinapian na rin daw (?) And last year, may naexperience rin ako with my classmate around 6 pm habang nagd-decorate kami sa school. Bigla na lang may kumatok sa may bookshelf. Biglang sumigaw yung classmate ko kasi natakot sya kaya napasigaw rin ako at lumabas kami sa room. Nakakatakot kasi dalawa lang kami, three times pa kumatok at 6 pm pa yun nangyari.
About dun sa bata, nac-curious ako. Ano kaya ang rason kung bakit sya nagpapakita? At ano kaya ang dahilan kung bakit sya namatay?
Sorry po kung magulo man o di maganda ang story na to, thank you for reading :)
JeogaNiJeonghan
Leyte
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!