"Dalawa't Kalahating Buwan na Parusa"
Hello guys, sana makapasok itong story. Bago palang ako nag babasa ng spookify, pero love na love ko na magbasa every night. Ito ay hango sa totoong buhay. malapit nanaman ang pasko at new year, naalala ko nung nakaraang taon, mahilig ako makipag kaibigan sa mga nag-aaral ng spiritual, something may nasabi akong tama sa akin pero mali sa kanila. Pinag sabihan ako na ""MAG-INGAT KA SA MGA SINASABI MO, BAKA MAGKAINISAN LANG TAYO"". Wala naman akong nasabi na kung ano ehh, i think di lang nila tangap yung katwiran ko.
Isang araw gumising ako ang kati ng labi ko, December 5, 2015 yun tandang tanda ko pa nun hapon nag simula yung di maipaliwanag na ng yari sa bunganga ko. Una nangangatI lang sya, mga ilang-araw maslalong kumati yung bunganga ko then nagising ako isang araw malala na, ang hapdi nya tuwing madaling araw, di ako makatulog sa sakit. Walang araw na di nag dudugo bunganga ko. Hangang dumating yung time na pag gigising ako yung labi ko natatabunan na ng nana, pag gising ko di ako makapag salita kasi natatakpan ng nana yung labi ko, kala nyo labi lang yung nag nana at masakit, abot hangang kaibuturan ng lalamunan ko. Hindi ako nakapag-enjoy nung pasko sa masasarap na pagkain, pilitin ko man kumain pero ang hapdi, nag take na ako ng kung ano-anong gamot pero ayaw parin gumaling, hangang sa dumating yung new year, di parin ako makakain ng maayos, hindi ko sinabi sa magulang ko na kinulam ako dahil baka sisihin yung mga ginagawa ko, pinabayaan ko nalang ang sugat sa bibig ko pati doktor kung ano-ano ni reseta pero wala parin na takot na mag reseta kasi di raw gumagaling, imposible namang na impection dahil kung ano-anong gamot tinitake ko, e isang gamit ko palang nung gamot di ko na uli nilalagyan kasi kakaiba nararamdaman ko. Para matigil na yung ng yayare sa akin, ng hingi ako ng tawad sa nagalit sa akin, isang araw nawala yung kate at onti-unti na nawala yung hapdi, sunod na araw natuyo na yung mga sugat hangang sa tuluyang gumaling.
Thanks sa pakikinig nyo guys
December 5, 2015 - February 10, 2016Legolas
Makati city
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HororTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!