Babaeng Naghahanap ng Hustisya
"Good Day mam/sir.
Share ko lang ung nangyari sa friend ng ate ko since nung High School Days pa yun. I'm think SY 2009-2010 .
Sana mai share nyu din ito.So ito na. May Matalik na kaibigan si ate ko tawagan lang natin siyang Jen na nasaniban ng masasamang espirito.
I was Fresh Men sa MangaldanNHS sa Pangasinan.
I think ang school ay ginawa nung 1940 something.
One day nag kuwento si ate about sa kanyang matalik na kabigan na si Jen.Isang araw sa school sinusundo ni ate ko ung kaibigan nya sa Room sa unang palapag na building. Ng magkita na daw sila may naamoy si Jen na sampaguita pero di naman naamoy ng ate ko. So dinedma ni ate ko. After 5 min. si Jen ay nagsimula ng namultla ang mukha at nahimatay na siya. Nung nilapitan ni ate ko upang tulungan siya ay bigla daw itong itunulak ng malakas, ang lakas daw na sumanib sa kanya. Nanlilitik ang mga mata at di maintindihan ang kanyang pananalita na para bang nakakamatay daw ung salitang binibitawan nya sa bibig. Buti na lang agad syang hinawakan ng mga kaklase nito pero pilit nyang kumawala sa pagkahawak ng kanyang kaklase. Si ate ko alalang alala kaya tinawag nya ang Adviser nito. Si mam ay agad kumuha ng rosaryo at bible. At nakapunta sila sa kaibigan nito . Tuloy pa rin ang paghawak sa kanya bale lima na sila na humawak sa kanya. Talagang napakalakas ang sumanib sa kanya. And then nagbasa na si mam ng bible at taimtim na nagdasal. Ang Rosaryo ay nilagay sa kanyang noo at tuluyan ng humina ang kaibigan ni ate ko.
After 30 min. Nahimasmasan na si Jen. Nagising na siya, at tila uhaw na uhaw ito kaya kumuha ng tubig si ate ko. At nagtanong na siya kung anong nangyare sa kanya kaya ikinuwento ni ate ko.
Ng pagdating nya sa bahay ay agad pumunta ng kanyang lola sa abularyo. Ang sumanib daw sa kanya ay isang babae at naghahanap ng hustisya. Ni rape daw ang babae at pinatay sa room.
At ang sabi pa ng abularyo ay lapitin daw sya ng masasamang elemento.
Kinaumagahan pina bless ulit ang school.Kaya napalapit sya sa God. At palagi ng nagdadasal.
At simula nun hindi na siya sinasaniban ng masasamang elemento. Hanggang sa kanyang pagtapos sa school.Kapit lang kay God.
Sorry sa short story.
Sana mai spread para ma guide sila masasamang elemento.Patz
Pangasinan

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!