My seatmate

4.7K 89 0
                                        

My Seatmate

Hello po. Silent reader ako dito sa spookify, and first time kong magshare ng story. Sana po mapost to.

It was around 5:00 in the afternoon nang makasakay kami ni Bes sa bus papuntang Cavite City, galing kaming school. Halos mapuno na ang bus pero may tatlo pang upuang natitira. Yung dalawang bakante ay magkatabi (Yung isang uupo sa pwesto na iyon ay sa may bintana at ang isa naman ay katabi niya). Doon ako umupo pero hindi sa may bintana, dahil alam kong doon ang gustong pwesto ni Bes. Akala ko doon siya uupo sa tabi ko pero sa may likod umupo. Pero bago siya umupo doon,t inignan niya muna ako ng nakakunot noo, hindi ko nalang pinansin at nag ayos na ako ng upo. May mga pasaherong sumasakay at syempre meron din namang nababa, pero wala man lang umupo sa tabi ko.

Dumating na kami sa may Noveleta, kailangan niya na bumaba at ako'y naiwan sa bus dahil sa Cavite pa ako. Pero bago siya bumaba, sinabihan niya ako na mag ingat ako, dahil di naman niya talaga ako sinasabihan ng ganoon. Katulad ng sinabi ko kanina, maraming bumababa at marami din namang sumasakay, pero ni isa man lang sa kanila ay wala talagang umupo sa tabi ko. Nagbyahe na si Manong Driver, puno na ang bus kung tutuusin pero walang nakaupo sa tabi ko, may nagpara sa bus hudyat ito ng may sasakay pero nilampasan lang to ni Manong Driver at inis na sinabing ""Nakita ng puno na, sasakay pa."" And again, hindi ko ulit pinansin ang sinabi niya at sinabi sa sarili ko na baka di niya lang nakita na may bakanteng upuan sa tabi ko. May mga nababa na din naman. Napansin ko ang matandang babae sa tabi ko ay kanina pa tingin ng tingin sa akin, iniisip ko na baka nagagandahan siya sa akin HAHA, joke lang.

Tumigil muna ng matagal ang bus sa may CVSU, maraming mga students ang nagsisakay. Ulit, halos mapuno na ang bus pero wala pa rin akong katabi. Nang may aakyat na sanang lalake pero agad itong nagmadaling bumaba pagkatingin sa akin at sabay sabi ng ""hala"". Umandar na ang bus. Nakakaloka dahil sa mga taong nasa harap ko't lumilingon pa sa likod para tignan ako. Lumilingon ang iba pero kaagad din naman nilang iniiwas ang tingin nila. Creepy. Nang nas may Cavite City BPI na ang bus nang biglang akong kausapin ng matandang nasa gilid ko ""May katabi ka."" Bumilis ang pintig ng puso ko at gustong gusto ko ng bumaba. Mabilis naman ang takbo ng bus pero sadyang para sa akin ay sobrang bagal nito at ayaw akong paalisin sa bus na yon.

Doon ko lang nalaman na kaya sila natingin sa akin, at ang akala nila ay puno na ang bus at kung bakit di na tumuloy ang lalakeng dapat tatabi sa akin ay marahil na may nakikita sila na iba sa nakikita ko.

LieC

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon