My Jolly Auntie
Hello spookifiers. Andami kong nasend na story here pero wala pang napost but still iI'l continue to write and share sa spookify yung mga creepy and not so creepy but may mga lesson na story ko or the people around me.
Eto ay istorya ng aking auntie. Si Auntie L ay masiyahin, sweet and mahilig mgkwento ng mga nakakatakot nyang naranasan sa aming mga pamangkin nya. Ang auntie ko nga pala half sister ng father ko, ang kwento sakin ng lola ko dahil sa pagiging mapusok ng lolo ko noon nagkaron ito ng mga anak sa iba. At isa ang tita ko sa naging anak nya, may isa pa itong kapatid na lalaki pero ibinigay sa lola ko yung tita kong yon. Dahil hindi na daw kakayanin pang alagaan ng kanyang ina dahil sa hirap ng buhay. Mabait ang lola ko, tinanggap nya ito at itinuring na parang kanyang anak, ganon din ang tita ko, minahal nya din ang lola ko at mga kapatid nya sa ama.
Dahil nga mahilig sya magkwento sa amin non, may isa syang kinuwento sa amin tungkol sa tinirhan nila dati. Yung tita ko nakapag asawa ng abogado non, naging marangya ang buhay nila. Nakahanap sila ng medyo may kalakihang bahay na dalawang palapag. Pero sa bahay na yon di sila matahimik dahil madalas nakakarinig daw sila ng yapak sa taas kahit wala namang tao. Binalewala nila yon kahit pa gabi gabi nakakarinig sila ng iyak ng sanggol. Nasa 5 years old na ata ang pinsan ko non kaya wala ng sanggol sa pamilya nila. Hindi lang isang gabi ang pag iyak ng sanggol na yon kundi naging araw araw, gabi gabi, walang pinipiling oras. Yung naging kasambahay pa nila madalas makakita ng anino sa may malaking puno katapat ng kanilang bahay.
Yung tita ko nabahala sya dahil natatakot na sila sa bahay na yon kaya nagpatawag sya ng albularyo o manghuhula. Doon nakita ng albularyo na yon na yung bahay nila dati, bahay palaglagan ng mga sanggol at dun sa malaking puno nililibing yung mga sanggol. Ipinahukay nila yung sa may puno at don nakakita sila ng maliliit na kalansay. Nagpatawag sila ng pari at binigyan ng maayos na libing yung mga sanggol na nahukay nila. Lumipat din sila ng bahay pagkatapos non.
May isa pang kwento si auntie na medyo natawa lang ako kasi nagkwento pa sya nung nasa sementeryo kami nov. 1 pa yun. Meron daw syang kaibigan na halos kaedaran din nya, madalas nya iyong kakulitan. Minsan daw biniro nya to dahil ang ayos ayos daw, nagpaparlor pa daw at kuntodo make up. "Hey ang ganda mo ngayon ah, anong meron?" Sumagot daw yung kaibigan nya ng "Wala lang, may pinaghahandaan lang para maganda ako at maayos mamaya". Kinagabihan nabalitaan nya daw na yung kaibigan nyang yun hindi na nagising nang matulog ng tanghali. Iyon pala yung pinaghandaan nya, yung sarili nyang burol.
Nakakamiss yung mga kwento ng auntie kong yun, I miss her laughter and madalas na pagsabi saming maganda kami kasi nga magkakalahi kami hehe. She's no longer with us four years ago na rin ata but her memories, her smile and her stories will remain in our hearts forever.....
Angel Mom
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
УжасыTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!