Babaeng nakabigti

1.4K 19 0
                                        

Sana mapost tong stories nato. Gusto ko lang ishare ang stories ko dito. Wala ng intro intro Game na agad ☺
Naalala ko pa nung 2014 ng March 28. Dito sa lugar namin sa tondo. 1:45 or 2:00am na ata nun ng gabi ng lumabas ako saming bahay para lang maki wifi. (Poorkid lang kame e) Habang nag Ffb ako biglang dumating si aling nene "magbabasura" hindi tunay na pangalan.

Conversation w/Aling nene.
Siya:Nak wag kang dadaan don sa kabilang street may nagpapakitang babaeng nakabigti don tapos biglang mawawala
Ako:Talaga ho? Di nga? *kinakabahan* matagal nakong dumadaan don pero wala naman akong nakikita.
Siya:Bsta sinabihan na kita.

Kinabukasan non. bandang 2:30am naisipan kong bumili ng tinapay tsaka softdrinks. Napadaan ako sa lugar na sinasabi ni aling nene. Biglang may narinig akong tumatawa pagtingin ko sa labas ng abandonang bahay may babaeng nakabigti tumatawa siya habang nakatingin saken. Yung itsura niya naka puti tapos medyo kulot yung buhok. Sa sobrang takot at gulat ko nahulog ko yung hawak hawak ko at napatakbo ako agad. Sakto nakita ko si aling nene. Sabe ko sakanya na totoo pala yung kwinento niya saken. Then pinuntahan namin ni aling nene yung abandonang bahay. Nandun parin yung babaeng nakabigti laking gulat namin tinatanggal na niya yung tali hanggang sa nakalutang nalang ito. Napatakbo kaming dalawa tapos paglingon ko sa likod ko. Nawala na yung babaeng nakabigti.

Marami pang kababalaghan dito sa tondo hindi lang sa probinsya.

#Boy

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon