University

2.3K 38 0
                                        

UNIVERSITY

Good Day Readers :) di ko po sasabihin yung name ng University baka po kasi magkaproblema tsaka yung ibang student po ng University na yun ay Readers din dito.
Kahit walang specific na place sana po maepublish pa din :)  May 6 Pamagat po ito so medyo mahaba haba rin sana po pagtyagaan nyo paring basahin. :) Totoo po yung mga story na to. binigyan ko ng ibang name yung mga nagkwento nito. Para iwas buking :) kasabwat ko kaibigan ko dito. Parehas kaming nagbabasa ng spookify :)
CBA building/  Dept. of nursing, CAS CR , REED BUILDING, I.T BUILDING, CAS LABORATORY, CHAPEL

CBA building/  Dept. of nursing
   eto po ay kwento ng mga  graduate student and teachers. CBA building  4th floor, isa sa mga lumang building ng unibersidad sabi nila creepy daw yung 4thfloor ng bulding. Ayun sa mga Nursing student dun maraming kababalaghan ang nangyayare dun, CBA  building sya pero at the same time dun din nilagay ang dept. of nursing kasi walang paglalagyan sa kanila since kaunti lang yung bilang nila. Sa 4th floor sila ng building nilagay  bali 5 rooms ang nsa  4thfloor tapos yung isang room ginawang laboratory ng mga nursing then yung isang room , ginawang stockroom, yung isang malaking room naman ginawang room for SGC then yung dalawang natira ay for lecture at walang mga pinto yung mga rooms. kaharap ng room yung cr tsaka hagdan, mapuno  po yung unibersidad na to tapos catholic school  pare yung mga namamalakad. yun nga since mapuno yung lugar tapos mga matatandang puno pa yung mga malalaki talaga, natatabunan yung bulding  so medyu madilim sya .
May kaibigan akung writer ng newspaper sa school namin tapos nagkataon na yung topic na ibinigay sa kanya is Horror story so need nya maghanap at mag interview ng tao then nagsuggest ang isa naming kaibigan na within the school na lang daw maghanap ng story tapos yung mga teacher yung interbyuhin para less hasle which is pabor din naman talaga kasi creepy din talaga yung school namin tsaka maraming kwento. so ayun nga yung first interview nya ay yung isang teacher ng nursing, sumama ako syempre kasi mahilig ako makinig ng mga story lalo pa't  tungkol sa mga kababalaghan.
kwento to ng isang teacher night class 6pm - 8:30
Ms. Chavez   -- bandang 7pm nangyari- naglelecture ako that time tapos  nagjoke ako tapos nagtawanan kaming lahat minsan kasi need magpatawa para ganahan yung mga studyante makinig tsaka pampawala ng antok lalo na pag night class.  Yun nga tawanan sila tapos biglang natumba yung isang upuan sa likuran kunti lang sila na andun so maraming reserbang upuan sa likod. natahimik kami bigla tapos nagkatinginan kung ikaw yung teacher syempre kukumbinsihin mo yung estudyate mo na wala lang yun. kung ikaw naman estudyante di ka talaga maniniwala kasi  bakal yung upuan di plastik or kahoy di basta matutumba ng hangin yun, walang magagawa dedma na lang pero yung kaba andun eh. So ayun patuloy parin ako sa pagdidiscuss tapos yung isa kung estudyante nagbiro bigla so nagtawanan kaming lahat tapos biglang Natumba yung dalawang upuan sa likod yung sa left side na mga upuan. Nagkagulo yung mga estudyante  ko tapos nagsitakbuhan sila sa harap , kinabahan na ako that time pero di ko pinahahalata kasi pagpinahalata ko sa kanila paniguradong magpapanik silang lahat. Ang sabi ko na lang na magdasal kami kasi di pwedeng estop yung class kasi maaga pa. so ayun nga nagdasal kaming lahat biglang lumipad yung mga upuan sa likod tapos tinapon papunta samin. Tinamaan ako sa  siko nun pero di  ako nakaramdam ng sakit kasi yung iniisip ko yung mga estudyante ko , yung ibang babae sa estudyante ko nag-iiyak na sa takot. Ang hirap ng sitwasyun namin kasi di kami makagalaw lahat sa sobrang takot . tapos baka pag nagpanik kami mas lalong magagalit  ang kung sino man ang nandun. Sinabihan ko yung mga estudyante ko na kunin nila yung mga gamit nila ng tahimik at wag na wag silang mag ingay. Sumunod naman yung iba pero yung iba na takot na takot na talaga di sumunod pinakuha na lang gamit nila sa ibang kasamahan. So ayun lumabas kami ng room na tahimik lang pero ramdam ko yung tensyon. Yung lakad namin palabas ng pinto ay patalikod incase kasi na baka batuhin kami ulit makita at makailag kami. nilibot ko yung paningin ko sa paligid tinignan ko yung mga upuan baka kasi may gumalaw at nagbabakasakali ako na may makita. Saktong nakalabas na kami sa pinto biglang nagpatay sindi yung ilaw, feeling ko tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan sa nakita ko. May nakita akung babaeng nakaitim may mga kadena nakapulupot sa kanya tapos nanlilisik yung mga pulang mata niya  galit na galit yung itsura nya nakatayo sya sa left side sa likuran nakalutang tapos papalapit sya samin, di  na ako nagdalawang isip pa sumigaw na talaga ako sabi ko  sa mga sudent ko takbo na, takbo na kayo. Nag uunahan kaming tumakbo pababa ng hagdan tapos ang bilis lang naming nakarating sa baba di ko alam kung paano nangyare kasi 4 th floor pa kami 6 nahagdan yung nadaanan namin tapos yung ibang floor patay na yung  ilaw, yung  habang pababa ako ng hagdan parang di na ako makahinga di ko na nga naisip yung mga estudyante ko eh sa sobrang takot.  pagdating namin sa baba mabuti nalang may mga tao pa dun yung isang estudyante kung babae nahilo talaga di kinaya. kinaumagahan pinuntahan ng mga pare dun pinablessingan. simula nun di na pinagagamit yung room na yun for night class.
-end.
P.S -- may kwento din na minsan daw may janitor na naglinis dun may nakita daw syang babaeng nakasakay sa wheelchair  na duguan tapos yung wheelchair ay may mga kadinang nakakabit dito. Pabalik balik daw yung wheelchair sa floor na yun. minsan na din  na publish sa dyaryo  yung balita tungkol sa  wheelchair dito sa lugar namin.
-pinagsisihan ko din talaga na sumama pa ako sa kaibigan ko that time pero dahil na rin sa curious cells ko sumama na ako sa lahat ng interview nya. next ko na po ikkwento yung  CAS CR antok na po ako. :)

Tattoos
Visayas Region

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon