CURIOUS!!!
*BASED ON MY EXPERIENCE*
Hi spookify! :) I am hoping na ma post ito. Since silent reader ako dito bigla ko na lang din naalala yung experience ko when I was in grade 3.
I want to share my story and para malaman ko din kung ano ba talaga yung nangyari sakin.
So ito na simulan na natin...
I'm Marlo (not my real name) From makati city district I ;)
Bata pa lang talaga ako lapitin na ko ng multo. Kapag nagkakasakit madalas nag hahallucinate na kung ano ano na nakikita.. One time pa nga nung may sakit ako nasa room ako tapos nung pumasok yung kapatid at pinsan ko sa room para tingnan kung okay ako dahil pina check din ako ng lolo ko, bigla ko na lang daw sila pinagtuturo at pinapaalis daw dun na masama ang tingin ko sakanila.. At tatayo pa daw ako para habulin sila Kinaumagahan, sobrang sakit ng katawan ko nun at may sakit pa din ako.. Nagulat ako dahil iwas sakin ang pinsan at kapatid ko.. Then yun kinwento na nila sakin nangyari.. Natakot pala.. Para daw kasi akong sinapian.. Hanggang ngayon kapag nagkekwentuhan kami sinasabi nila sinapian daw ako. Haha kaya pala pag gising ko nun, may rosary akong katabi..
Pero ito na talaga simulan na natin talaga..
Grade 3 ako nung nangyari yun and that was years ago.. (I am 20 years old now) by the way, nangungupahan lang kami that time sa makati lang din malapit lang sa bahay namin talaga kasi nirerenovate yung bahay namin. So yung bahay na nilipatan namin, may katabing lumang bahay.. As in luma na! Yung mga sinaunang bahay dito nung panahon ng kastila? Ganern. Tapos may puno ng star apple na malaki at malago sa gilid ng lumang bahay.. Yung bahay na nirerent namin 3rd floor tapos may bintana, at yung puno ng star apple dahil malaki siya yung mga tangkay niya kita na din sa bintana dun sa apartment na nirentahan namin. Bali, yung lumang bahay tapos sa gilid yung puno at bahay na namin..
Napagitnaan nang 2 bahay yung puno..
Gabi na nun may pasok pa kinabukasan. Since lola's girl ako, katabi ko matulog lola ko.. Nasa kama na kami nun at ako na lang gising.. Dahil hindi pa ko makatulog nag mumuni muni ako habang nakahiga.. Sa rightside ko nandun yung bintana na kita yung puno.. Natulala ako dun for a minute tapos bigla akong may narinig na nag iingay ng bakal. So naalis yung titig ko dun... hinayaan ko na din yung ingay na narinig ko. Wala naman ako naramdaman na something creepy, after nun Napag pasya ko ng matulog nun tapos pagkapikit na pagkapikit ko, as in seconds lang.. Biglang tumirik mata ko.. Bigla akong nanigas, nanginginig, gusto kong sumigaw pero nung pasigaw na ko napanganga lang ako parang nag lock yung bibig ko.. Since katabi ko lang lola ko, pinilit kong hawakan yung bestida niya at kumapit ako sa bestida niya para magkapwersa ako sa pag angat ko ng katawan.. Naramdaman ko pa nga na tumulo laway ko dahil nga sa nakanganga lang ako kasi nanigas at nanginginig ako that time.. Nahimasmasan lang ako nung sinigawan lang ako ng lola ko at sinampal.. Tapos nun parang hinila na ako ng antok at wala na lang hindi ko na naisip pa yun.. Kinabukasan nagkekwentuhan lolo at lola ko sa sala, pag uwi ko galing school.. Nung nasa pintuan pa lang ako papasok, Narinig ko na ako yung topic nila.. Pagkapasok ko mismo sa loob.. Biglang sabi ng lola ko, Diba nanaginip ka kagabi? Wala lang ako imik tapos lumapit ako sakanila at tinanong ko lola ko kung ano nangyari
NV
Ako: ano po ba nangyari kagabi? Wala kasi ako maalala.
Lola: nanaginip ka kagabi may tinuturo ka sa puno tapos umiiyak ka sabi mo may kapre! May kapre!
Napa-ahhh na lang ako. Hindi ko na kinwento sakanila yung totoong nangyari. Pero wala kong maalala na may tinuturo akong kapre at umiyak ako.. E hanggang dun lang naalala ko, yung sa nanigas at yung sa part na nahimasmasan na ko. Sabi lang ng lolo ko lagi ako magdasal. E sila lolo at lola ko sanay na sakin na palagi ako nananaginip ng ganon.. Kaya hindi na bago sakanila na umeksena ko ng ganon. Haha!
So ang curious lang kasi, ano ba tawag diyan sa experience ko na yan? Hanggang ngayon naiisip ko pa din yan. Weird lang! Alam ko sa sarili ko na hindi panaginip yun. At, wala ko sakit ng epileptic or anything. Normal naman yung health condition ko. :) Tanong lang mga ka-spookify, ano kayang posibleng tawag sa ganon? Haha! Paki answer po with respect. Haha! Thankyou mga ka-spookify and admins! Godbless!
PS - Hindi din pala nakita ng lola ko yung itsura kong tirik mata at nakanganga since nakapatay ilaw kapag natutulog kami. :)
PPS - after naman nung incident, wala naman na nangyari. Di na din ako nagturo dun sa puno. haha!
PPPS - Hindi din po ako nag aadik nung mga panahon na yun. Hahahaha! Joke :)
Marlo Girl
Makati City
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!
