My brother kev and the kid named Amy

2.7K 65 3
                                    

My brother Kev and the kid named Amy

December 27, 2011. Mga quarter to 10pm to nangyari kasi time to sleep na namin magkapatid. Nagpaalam ang mommy at daddy ko na lumabas muna nung gabing yun kasi dumating ang college friend nila from Canada. Naiwan kami ng kapatid with our yaya.

So ayun, di gusto ng kapatid ko na matulog mag-isa sa room niya. 3 years old nga pala siya. Tsaka 19 years old ako. Tawagin natin siyang Kev. Pinilit ako ni Kev na matulog siya dito sa kwarto ko kaya pinayagan ko nalang.

Napatingin ako sa wall clock at nakita kong 9:45 na. Nilingon ko si Kev pero di pa siya tulog. Pinagsabihan ko siyang matulog na kasi masama sa kanya ang late matulog dahil sa sakit niya sa puso.

Ako: Kev, matulog ka na baby. Late na oh.
Kev: Kuya, mamaya na po. Nakakainis po tong paa ko e!

Lumapit ako sa kanya para tingnan ang paa niya.

Ako: Ano bang nagyari dyan sa paa mo?! Ba't andaming langgam?!
Kev: Ewan ko po kuya. Gusto ko pong putulin tsaka paglaruan! Ibibigay ko rin sana kay Amy to.
Ako: Sinong Amy? Classmate mo sa school?
Kev: Hindi po. Kaibigan ko po na dun nagss-stay sa basement.

Tas ako napa-WTF! Kinarga ko siya papunta sa bed tsaka kinantahan. Napalingon ako sa pinto kasi bumubukas ito. Grabe ang kaba ko nun! Pero nakahinga ako ng maluwag nang makita kong si yaya lang pala yun. Pumasok siya pero di nakatingin sakin. Diretso siya sa cabinet ko na may maliit na mirror tsaka tumayo lang siya dun. Mga 5 minutes siyang nakaharap sa mirror. Tinanong ko siya kung anong ginagawa niya dun at nilingon niya lang ako sabay sabing ""Di na dadating ang mama't papa mo. Isara mo ang bintana't pinto mo."" Saka siya tumalikod at tuluyang nilisan ang kwarto ko. Nakakapanindig balahibo ang aura niya kaya kinakabahan akong tawagan si mama pero di siya sumasagot. Tinawagan ko rin si papa pero di pa rin nasagot. Tumayo nalang ako para sundin ang sinabi ni yaya. Sinara ko ang bintana ganun na rin ang pinto. Dinouble lock ko na rin. Tinext ko sila mama ng ""Ma, uwi na kayo. Umiiyak na si bunso kakahanap sa inyo."" Dinahilan ko lang yun para dalian nilang umuwi dito. Pero mas natakot ako nung magreply si mama ng ""Joe, di kami makakauwi ngayon. Patahanin mo nalang. Nandito kami sa bahay ng tita Laura niyo."" P*tspaaaa pre!

August 2013. Ginising ako ni yaya kasi inaatake daw si Kev. Dali-dali akong pumunta sa salas. Naabutan ko si Kev nakahiga habang hawak hawak ang kanyang dibdib. Tinanong ko si yaya kung nasaan ba sila mom at dad tas sabi niya'y may meeting daw sila kaya napaagang umalis.

Tinawagan ko sila mom at sinabi ang kalagayan ni bunso pero sabi'y ""The meeting is on-going, anak. Just call Dr. *** para mapuntahan kayo dyan sa bahay. We'll be home later."" Nagpanic na talaga ako nun! Kinarga ko si Kev sa kwarto niya nang bigla niya akong sinakal! Sabi niya ""Bakit mo akong kinulong sa basement?!"" Tinawag ko si yaya para tulungan ako pero tiningnan niya lang ako! Napamura ako ng wala sa oras! Tinulak ko ng buong pwersa ang kapatid ko saba'y sabing ""Di ko alam ang sinasabi mo.""

Matalim ang tingin niya sa akin. Tinawagan ko ang doktor ng kapatid ko. Nakahiga lang si Kev tsaka tumingin sa terrace banda. Nang dumating ang doktor ng kapatid ko, may ininject siya sa kapatid ko na nakapagpatulog sa kanya.

Pagdating nina mama't papa. Agad kong sinabi sa kanila ang nangyari kanina at ang mga sinasabi ni Kev. Sinabi ko rin na may nakwento si Kev noon tungkol kay Amy sa basement. Napansin ko ang pagiging aligaga ni dad kaya tinanong ko siya.

Ako: Dad, bakit niyo ba di pinapapuntahan ang basement? Nandun ang bike ko noon. Gusto kong ipahiram kay Kev yun.
Dad: Hindi pwede. Walang dapat na pumunta dun, naiintindihan mo?

Napatango nalang ako kahit di maintindihan. Pumunta agad ako sa kwarto ni Kev para tingnan kung ano ng lagay niya. Nakita ko siyang nakaupo sa kama niya't nakatingin sa terrace.

Ako: Ayos ka na ba, bunso?
Kev: Kuya, tulungan mo ko.
Ako: Hmm? Tulungan saan?
Kev: Pumunta ka sa basement, kuya. Palayain mo si Amy.
Ako: Bunso, matulog ka nalang ha? Baka epekto lang yan ng gamot mo eh. Sige na, sleep na.

Saka ako umalis. Kitang-kita ko ang pagkaka-ismaya sa mukha ni Kev nung di ako pumayag sa gusto niya. Akala ko nga kasi epekto lang yun ng gamot kaya niya pinagsasasabi yun. Ngunit nagkamali ako.

Ilang buwan na rin mula nung nangyari nun. Napapadalas ang pagsakit ng dibdib ni Kev. Nag-aalala na kaming lahat sa kanya.

Umaga ng linggo nangyari, pagkadilat ko ng mga mata ko nagulat ako nang nasa tabi ko na si Kev. Gising na siya at nakatingin sa bintana. Tinanong ko siya kung bakit dito siya natulog sa kwarto ko. Ang sagot niya nama'y ""Naiingayan na ako kay Amy, kuya. Dinig na dinig ko ang pagkalampag niya sa pintuan doon sa basement mula sa kwarto ko. Sabi ko naman sa kanyang bukas na uli kami maglaro e.""

Hindi ko pinahalata sa kanyang kinakabahan na talaga ako. Pumasok na ako sa trabaho kaya't panandaliang nakalimutan ko na iyon. Nang papasok na ako sa bahay galing trabaho, naisip kong pumunta muna sa basement.

Pagbukas ko sa pinto ng basement, bumungad agad sa akin ang amoy ng alikabok at patay na daga. Napatakip ako ng ilong dahil sa naamoy ko. Naglibot-libot ako doon. Malaki ang basement kung kaya't kasinlaki ito ng salas namin. Nagulantang ako nang may narinig akong ingay sa labas. Napalingon ako sa kinaroroonan ng ingay at nakitang si Kev pala yung pumasok.

Kev: Papalabasin niyo na po ba si Amy, kuya? Kasi maglalaro pa kami e.
Ako: Kev, bumalik ka na sa taas ha? Tara alis na tayo. Sisipunin ka dito.

Lingon ng lingon si Kev sa isang maliit na kwarto sa basement. Sabay sabing ""Nandyan po si Amy o!"" Dahil sa takot ko'y kinarga ko si Kev saka tumakbo palabas.

Nang gabing yun, inatake na naman si Kev. Wala sina mom at dad nun. Inis na inis akong tinawagan ang doktor kasi di ko na alam ang gagawin ko. Kinuha ko lahat ng gamot ni Kev mula sa cabinet sa kusina saka ko siya pinapili kung asan ba dito ang dapat niyang inumin.

Kev: Kuya, palabasin niyo na po si Amy.

Sinasabi niya yan paulit-ulit habang hawak ang kanyang dibdib. Di ko na siya pinansin. Sabi ng doktor na kelangan na siyang dalhin sa ospital dahil malala na raw si Kev. Dali-dali kong kinuha ang susi ng sasakyan tsaka humarurot kami papuntang ospital. Dumating na rin sila mom sa ospital. Iyak siya ng iyak. Ako, di ko alam kung ano ng gagawin ko.

One week naconfine si Kev saka siya kinuha ng Maykapal samin. Wala na. Wala na ang makulit kong kapatid. Naiinis ako kila mom kasi wala sila nung nahihirapan si Kev at inuuna ang trabaho. Di ko napigilan at pumunta ako sa kwarto nila mom. Tinanong ko si Dad kung sino yung Amy na laging kinukwento ni Kev.

Natatandaan daw ni dad si Amy bilang anak ni yaya. Wala ng asawa si yaya kaya isinama niya na si Amy sa bahay namin. Nung namalengke daw si yaya ay naiwan si Amy sa bahay kasama yung family driver. Ginahasa niya si Amy sa basement. Kinulong niya dun hanggang mamatay. Nagtaka na daw sila noon kung bakit tatlong araw nang di makita si Amy. Naghire pa nga daw si dad para hanapin si Amy pero nabigo sila. May dumating na police saka hinalughog ang bahay saka na nakita si Amy sa kwarto dun sa basement. Patay na. Nalaman nilang yung driver ang may kasalanan kaya halos bugbugin nung mga police.

Kaya ba di kami masyado kinikibo ni yaya? Nalungkot ako nang maisip yun. Pagkatapos mawala ni Kev sa amin, umalis rin si yaya. Hindi ko alam bakit.

Bunso, Kev, I'm sorry kung di ko na masyado nagampanan ang tungkulin bilang kuya ha? Mahal na mahal ka namin. Ngayon, may Amy na tayong kapatid. Nagsilang si mom ng magandang baby at pinangalanang Amy. Hanggang sa muli, Kev.

Kuya Joe

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon