Palipad Hangin

1.4K 23 0
                                    

Avid reader here, as always bago matulog 🙂 I really wanna share kung ano ang pinagdadaanan ko. Kung familiar kayo sa title at sa mga hindi nakakaalam eto yung uri ng kulam na ipinalalayas sa katawan ng isang tao at randomly mapupunta sa iba. Sa pagkakaalam ko pero may iba syang term, nauuso to sa Cavite, Bulacan etc. December 28 nagbakasyon kame ni pinsan sa cavite, december 25 pa lang ng hapon nung nakarating kame dun. Ang balik namin sa manila ay sa december 29. Kinagabihan ng 28, nag iinuman kame ng tito ko at pinsan ko, nang bigla nalang may something na may pumasok sa katawan ko. Yung mararamdaman mo talaga na ang weird, nasa 2nd floor terrace kame open area, then suddenly uminit yung katawan ko, kakaibang init ang naramdaman ko nun. Pumunta ako ng kwarto kase di na ko komportable, napakainit kahit naka aircon yung kwarto. Then I was like, kamot ultimately, nagulat ako, shocks ang lalaking pantal na may butas butas. Gusto ko sanang magsend ng picture pero kadiri kase at para na rin sa safety ng identity ko. Then lumabas ako, bumalik ako sa inuman, gulat na gulat yung tito ko at pinsan ko, napamura pa sila nun nung nakita. Mas malala ang nasa likod kase halos sakop na yung buong likod ko ng bulubunduking pantal.

Hanggang ngayon nararanasan ko pa rin, hindi sya allergy, since birth di ako nakaranas ng ganu. Nagpacheck up ako, pinagbawalan sa ibang foods pero wala pa din lunas. Nagpipigil akong kamutin pero tumutubo pa din, kinaumagahan nawawala tas bumabalik kapag alas dose na ng gabe, kaya lagi akong puyat. Di pa ko nagpapatawas. Pero kung palipad hangin man to, di ko na ibibigay sa iba, ayokong may magdusa ng nararanasan ko ngayon. Kase sanay naman na ako, at nasanay na din akong may nagpapakita saking kaluluwa. Nung nagkaron kase ako ng ganto, nakakakita na ko ng kaluluwa, pero nakikita ko lang sila pag duty na ng pantal ko. Oo medyo nakakatawa, maniwala ka man sa hindi, ikaw na humusga. Pero pag kinakausap ko sila, hindi sila nagsasalita, pero ngayon iniignore ko nalang sila. Parang don't talk to strangers.

Alam kong di creepy sana may natutunan kayo. 🙂

Boypantal

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon