Room 20

1.6K 31 0
                                    

Room 20

Nangyari ito nung 1st year college ako. Apat kaming magkakasama sa room. Bale close ko na silang lahat. At nakasanayan na naming apat na tuwing mag totoothbrush kami sa gabi eh sabay sabay kami. Kasi malayo sa room namin yung mismong cr ng dorm.
Isang gabi nun busy kaming lahat sa room. Lalo na ako, kasi nag rereview ako nun sa economics , yung isa ko namang kasama sa room nag tetext tapos yung isa nakaupo lang sa kama at yung isa nakahiga lang din sa kama nya. Edi ayun, nakatutok lang ako sa nirereview ko pero napansin kong may dumaan sa harap ko , at alam kong isa yun sa roommate ko.since nakabukas naman agad yung pinto ng room namin. Hinayaan ko lang yung lumabas ng room. Napansin din yun ng iba kong kasama sa room. Nagtaka yung isa kong roommate kasi di daw nag aya yung kasama naming lumabas na mag toothbrush na kami. Pero hinayaan nya nalang at sya nalang yung nag aya na mag toothbrush na kaming tatlo na natira sa room kasi daw nauna na yung isa. So, tumayo na kaming tatlo para kunin tung toothbrush namin. Ng biglang may nagsalita na ""teka antayin nyoko""
Gulat na gulat kaming tatlo kasi galing lang sa higaan ang isa naming roommate na nakita naming lumabas ng room. Tinanong namin yung roommate namin kung lumabas ba sya ng room pero sabi nya hindi daw. Tapos sabi ng isa ko pang roommate na nakita nya daw na may dala dalang baso yung roommate namin na yun na lumabas tpos hawak din yung toothbrush sa kabilang Kamay. Dito kami mas kinilabutan. Sabi ng roommate ko, paano daw sya magkakaron ng baso nayun na tinutukoy ng isa kong roommate eh basag na daw yun at tinapon nya na daw nung isang araw pa.
Dahil sa takot naming apat pinagtabi namin mga kama namin kahit bawal sa dorm namin. Pinagalitan pa kami ng land lady pero inexplain namin kung bat ganun. Naikwento namin saknya yung nangyare after nun di na sya nag react natahimik na lamang. Palaisipan na sa amin yun na baka nga may alam yung land lady.

Noo
Laspiñas

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon