Scary Experience

4.6K 83 5
                                    

Scary Experiences I

Hello mga ka spookify, gusto ko lang ishare sa inyo yung mga nakakatakot kung karanasa, malapit na kasi undas mga bes haha.

Simulan ko na story ko dito.

ROSARY
Last year active na active ako sa pagrorosaryo, halos araw araw nagrorosaryo ako pero nagbago ang lahat ng isang gabi habang nasa fifth and last mystery na ako biglang di ako makahinga, di ko alam kung bakit, nakatapat naman sakin yun fan so cinontinue ko na lang yung rosary, tapos habang nagsasalita ako nagiging garagal yung boses ko, yung para bang kinakapos na nag hinga? Ganon, ang hirap pero tinuloy ko kasi alam kong may iba nang elemento sa room, once na natapos ako nawala na rin yung feeling na yon.

Another pa, habang nagrorosary ako nakikinig ako ng gospel songs, yung pangsimbahan pang worship ganon, ng biglang nagstop nagkataka ako all black lang siya, nirestart ko yung app na youtube then nagplay ulit ako ng worship song ayaw gumana, tinry ko yun ibang kanta(di na pang simbahan) then gumana naman, mga ibang videos nagana pero pag nabalik ako sa worship song ayaw talaga kahit anong kantang pang worship, tas gumalaw yung bangko, oo as in gumalaw talaga so ginawa ko pinagpatuloy ko pagdadsal hanggang sa natapos na ako nandiyan pa rin yung nanggagambala pinatay niya yung ilaw sa room sa baba, so ayon ako naman si takbo pataas.

Hanggang ngayon habang nagrorosary ako nandon pa rin yung feeling na di ako makahinga, tinry ko in the head na lang yung prayers di na vocal pero ganon pa rin parang may pumipigil talaga, pero go parin ako kasi kung magpapatalo ako lalo akong guguluhin non.

SCHOOL FUN

So ayon nasa school kami, alam ng mga tropa ko na may third eye ako, kaya pag nasa madilim na lugar kami di na nila ako kinakausap kasi baka kung ano pa sabihin ko sa kanila, then one day natira kami sa school nag aayos ng bulletin, member ng ssg eh😂 Nung natapos na kami may nakita akong nakatingin na studyante sa bulletin, bale paalis na kami nung napansin ko so likod lang niya nakikita ko, sabi ko ""ate tara na po, baka po mapagalitan kami kung may studyante pa sa campus ng gantong oras"" .
Tinanong ako ng mga co ssg members na sino daw kausap ko, sabi ko naman yung babae na nasa bulletin board, sabi nila wala naman daw, ng tinignan ko wala na nga siya don, nasa harap ko na siya, medyo laptrip nangyari non tumakbo na ako then nagsunuran na mga kasamahan ko kasi alam nilang may nagparamdam pag ganon.

""T*ngn* ano yon?"" Sabi ng kaklase ko
""May babae pre don sa bulletin tas nung luminginon na ulit ako don sa babae nasa harap ko na siya, basag ang muka p*ta""

Pagkatapos non nagdasal na lang kami para dun sa kaluluwa nung babaeng iyon.

SUNDO?

Ito, kinikilabutan pa rin ako dito, isang araw siguro mga october yon ng 2009 may narinig kami ng nanay ko ng isang malakas na uwak ng isang ibon pati na ang malakas na pagakpak ng pakpak nito, umaga yon, tinanong namin yung constryction worker sa tapat namin kung may narinig na uwak ng ibon pero wala naman daw, pero imposibleng guni guni lamang ito dahil narinig ito ng nanay ko.

Pinawalangbahala na lang namin yung pangyayari. Pagkatapos ng isang linggo nabalitaan na lang namin na patay na yung lola ng kababata ko, inatake daw sa puso, dun lang namin na alala yung malaking ibon, siguro ay sundo ito nung lola ng kaibigan ko.

YAPOS NI LOLO

August 20,2010
Lunes non sa pagkakatanda ko, papasok sana ako non pero nilalamig ako pero sobrang init ng panahon nung araw na yon, nung tinignan naman sa thermometer wala naman lagnat, pero di na rin ako pinapasok kasi masakit ang ulo ko pati nilalamig ako.

Kinabukasan 21, wala na yung pakiramdam ng nilalamig ako kaya ayon sakay na ko sa service, pagsakay ko bumalik ulit yung pakiramdam na iyon, nagalit na nanay ko akala ng loloko lang ako pero di na rin ako pinapasok.

Mga 9 ng umaga pumunta kami sa bahay ng mga lolo ko, don naabutan ko na dinadasalan ang lolo ko, nung tumingin ako sa harapan ng lolo ko parang natuwa siya, tapos umupo na ako don sa upuan sa may ulunan ng lolo ko, maya maya na lamang ay naririnig ko na ang huling hininga niya hirap na hirap na siya, hanggang sa tuluyang nawala na siya.

Kinuwento ko sa lola ko kung ano yung naramdaman ko kahapon at ngayon, ang paliwanag niya hinahanap daw ako ng lolo ko kahapon at ngayon, at ng dumating na ako ay bumigay na siya, gusto lang daw ako ulit makita ng lolo ko bago pumasan sa kabilang mundo.

ASWANG

Last story ko na to for now, gabi to ng biyernes kaya may gimik ang barkada, ayon kain kami sa isang kainan sa bayan namin probinsya kasi kami nakatira, so ayon pauwi na kami, nung nasa part na maghihiwalay na kami sobrang ingay namin, may mura may hiyaw bago kami naghiwalay siyempre eh malakas trip😂.

Madaling araw mga alas kwatro niyaya ako ng pinsan ko na jogging kami, so ayon punta kami sa court sa may barangay tapos takbo kami don, dapat ay lalaro kami pero wala kaming bola eh. Ilang minuto lang tinagal namin don, kasi iba na pakiramdam namin, nung nasa part na naghiwahiwalay kami ng mga kabarkada ko, nang may nakita kaming babaeng naka pang mandarasal sa simbahan ang suot, kaso walang belo, then ayon kwentuhan kami ng pinsan ko ng naramdaman ko yun malamig na presensya sa tabi ko pagtingin ko sa likod nawala na yun matandang babae, imposible kasi lahat ng bahay may gate kung papasok siya dapat narinig na namin yung tunog ng gate.

Takbo kami ng pinsan ko habang nagmumura, aswang ata yung matandang babae, kasi di na ganon yung damit ng mga madarasal sa bayan namin, pati wala pang madarasal na gising ng ganong oras, di kami tumigil hanggang sa nakarating kami sa bahay namin, doon pasok agad kami.

""Pre aswang ba yon?""
""Oo ata pre, kagabi kasi nung dumaan kami don ng mga kabarkada ko ang ingay namin, may nagmumura, nagambala ata namin, nakilala ako ayon, p*ta bat dito tayo dumiretso sa bahay!""

Baka kasi sinundan na kami ng aswang at alam na bahay ko, naglabas ako ng bawang marami at inilagay sa mga bintana, yung kutsilyo nasa kamay ko, at yung itak nasa pinsan ko, nandon kami sa salas nagiintay ng paramdam ng aswang ngunit wala naman, kaya baka guniguni na lang namin yon, natulog na lang kami.

Pag gising ko wala na yung pinsan ko lumipat na sa bahay nila, nagtimpla ako ng kape at lumabas ng bahay, ako lang magisa ng oras na iyon, nasa trabaho mga magulang ko, at ang aking kapatid ay nasa maynila, paglabas ko may nakita akong pusa, ngunit kakaiba sa ibang pusa ay di ko ito kilala, ang may ari lang ng pusa sa amin ay ang kapitbahay ko at di ganito ang pusa nila, ang nakakatakot pa ay pula ang mata nito, mataba ang buntot di katulad ng ibang pusa na medyo manipis lamang.

Bilog ang mata nito, mataba ang buntot at mas mataas ang likod na paa kaysa harapan, dun ko napagtuntonan na ito ata yung aswang kanina, dahil kahit binubugaw ko ay ayaw umalis nito, pumasok ako at kinuha ang walis tambo, doon umalis na ang pusa, ngunit lagi itong nakatingin sakin, kaya ginawa ko binato ko ng bawang😂 Di ko na kasi alam kung ano gagawin ko nung oras na yun, ngunit parang mas lalong nagalit yung aswang.

Ps. Habang sinusulat ko to ay may naglalakad sa taas ng bubong namin baka siya ulit yon, may naipit pati sa dibdib ko, haha kinakabahan na ako, pag di na ako nakapagupdate ay baka nakain na ako ng aswang.

Paalam mga ka spookify

MatiniknaLalaki 
Laguna

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon