anino
Hi .
Gusto ko din sana ishare ung isa sa mga nakakatakot na naencounter ko .
tagal ko na nagbabasa tinatamad lang kya hinde ko agad na share :)
Btw ito na :)Anino
Laking ManiLa tlga kami .
ngunit napadpad kami ng ate ko sa probinxa ng papa ko dahiL sa pag aaway nilaNagtransfer kami sa Masbate (IsLa ho ung Lugar na kinalakihan ni papa )
6 or 7 years old ako nun dun kami pinag araL ng Grade 1 ng ate ko .
pareho ho kaming Grade One
Unang gabi/madaling araw namin doon nagkatay ng Baboy ang Lolo at papa ko ( nag aalaga po kasi lolo ko ng baboy )nagising kami ng ate ko mga alas 2 ( madaling araw tlga kinakatay ang baboy doon)
Biglang nagbukas ung pinto kung saan kami natutulog ng ate ko ( ung pinto konektado sa balkonahe ) natakot kami bigla nung dahan dahang nagbukas ung pinto ung tunog ng pinto sa mga nakakatakot na paLabas .
Hinde tlga ako matatakotin dati , pero kakaiba tLaga ung tunog kaya ung sobrang liit na kumot namin ng ate ii halos masira sa paghihilaan namin .
ung kumot naman na un is pag nakadilat ka aninag parin ung nasa labas .
may nakita kaming malaking anino ng lalaki na nakatau lang sa may pinto sa paanan namin .
sa takot namin nagbilang kami ng hanggang tatlo sabay takbo .convo:
ako: te bilang tayo hanggang 3 sabay takbo .
ate : cge
ako/ate : 1 2 3 Takboo .pagLabas namin ( nasa tapat po kami ng baybay naktira at doon din sila papa nagkatay ng baboy)
Si papa nung nakita kami
Papa : bakit gising na kau alas 2 palang bumalik kau dun matulog kau uLit.
ayaw tLaga namin bumalik pero no choice dahil takot kami kay papa sumunod kami pero hinatid nia nman kami at sinara nia uLit ung pinto .maya maya hinde pa kami nakakapikit bumukas uLit ang pinto .
ang nakakatakot dun is andun uLit ung anino ng lalaki at may kasamang nakakatkot na boses pa sa pagkakatanda ko ( wahahahaha na creepy tLaga ng boses )
tumakbo kami ulit .
at aun pinabalik kami ulit .
LoLo ko na ang sunod na sumama samin sinarado ulit ang pinto .
Pagkaalis ng lolo ko.
Dasal na kami ng dasal ng ate ko .
pero wa epic maya maya bumukas ulit ang pinto at andun na naman ang lalaki .
takbo ulit .
maiyak iyak na kmi sa takot nun .pagkalabas sinaway kami ng papa ko .
pero hinde na tlga kami pumayag bumalik .
nagsawa na siguro kakasaway kaha pumayag narin na hinde na kami ulit matulog .
simula nun tuwing madaling arw nagigising ako dahil pumapasok parin sa isip ko kung sino kaya ung malaking lalaking un .senxa na ho kung maxadong mahaba hinde ko alam kung paano paikliin ii :)
tnx po kung mapopost po itoJa9
Masbate
![](https://img.wattpad.com/cover/97104812-288-k129969.jpg)
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!