PUSA
Hi admin! First time ko pong magsend ng experience ko dito. Hindi lang po ako ang nakaexperience. Pati po yung iba kong relatives. Ganito po yung nangyari.
Nung March 2014 nagpunta kami sa Agusan Del Norte, probinsiya ng mama ko para sa isang family reunion. First time kong makapunta dun at pagdating pa lang, iba na agad yung pakiramdam. Parang mabigat yung feeling na hindi ko maintindihan kung ano. Sinabi ko yung nararamdaman ko sa mama ko. Sabi naman niya wag ko lang daw pansinin. So tuloy tuloy na ko sa pagpasok sa bahay ng grandparents ko kasama ang mga pinsan ko.
Unang gabi namin dun, habang natutulog ako katabi mga pinsan ko, may naramdaman akong humahawak sa ulo ko na parang hinehele ako sa pagtulog. Tapos bigla na lang akong nagising at nagtaka ko kasi lahat ng tao sa bahay na yun tulog na. Eh diba normally naman sa probinsiya maaga natutulog. 8pm pa lang nun. Di ko na lang pinansin. Di naman kasi ako matatakutin at sanay na rin ako sa mga ganun.
Pangalawang gabi, inutusan ako ng mama ko na kunin yung camera sa may tailoring ng lola ko. Dun kasi namin nilagay lahat ng bagaheng dala namin. Pagtingin ko sa may pintuan, may nakita kong bata na nakatayo at nakangiti sakin. Nakasuot siya ng puti. Kinuha ko na yung camera pero pagtingin ko ulit dun sa pintuan kung saan nakatayo yung batang nakaputi kanina, wala na siya. So bumalik na ko sa loob para ibigay kay mama yung camera. Pagbigay ko ng camera tinanong ko si mama kung may ibang bata ba sa bahay. Sabi naman niya wala. Pero nagulat ako sa reaksiyon ng mama ko. Para kasing may gusto siyang sabihin na di niya masabi sabi. Edi hinayaan ko na lang. Maya-maya nakita ko si mama saka yung lola ko na nag-uusap. Nakita kong umiiyak silang dalawa. So nagtanong na ko dahil na rin sa sobrang curious ko. Para kasi akong tanga na wala akong alam sa history ng family namin. Nag-umpisa nang magkwento sa aming magpipinsan yung lola ko.
Sabi ng lola ko, meron kaming namatay na tiyahin dahil sa engkanto. Nung pinanganak kasi ng lola ko yung tita ko, nagtaka na sila kung bakit laging may pusang kulay puti na lumalapit sa kanya. Nung nag-3 years old daw yung tita ko, nadisturb yung lolo ko dun sa pusang puti kaya sinaktan niya yun hanggang sa mamatay na lang yung pusa. Simula nung mamatay yung pusa na laging lumalapit sa tita ko, dun na nawalan ng emosyon yung tita ko at pag kumikilos siya para na rin siyang pusa. Yung tipong kung saan saan na lang siya dumudumi at laging may sariling mundo. Pinacheck-up nila yung tita ko sa doctor pero walang findings. Di na rin nakatiis yung lolo't lola ko kaya dinala nila sa albularyo yung tita ko. After matawas yung tita ko na yun, sinabi ng albularyo na hiniram daw ng engkanto yung kaluluwa ng tita ko at mababalik lang yun after 20 years. Nagsabi pa yung albularyo na mag-alay daw yung lola ko ng prutas at matatamis na pagkain sa gubat. Kahit ilang beses ng ginawa ng lola ko, di pa rin nababalik yung kaluluwa dahil na rin sa pagdadasal ng lola ko. Nakokontra ng dasal yung mga engkanto.
After 20 years nung nangyari yun, unti-unting nagkakaroon ng emosyon yung tita ko, pero ganun pa rin yung hitsura niya. Katawan ng isang 3-year old na bata. Pero hindi na kinaya ng katawan niya yung edad niya. Dahilan yun para pumanaw siya. Laking gulat ng marami na nung nakaburol na yung tita ko, mahaba yung kabaong niya. Naging normal yung katawan niya. Parang 23 years old na. Nagulat din kami kasi hindi lang pala ako yung pinagpakitaan ng tita ko nung panahong nandun kami para sa reunion. Nagpakita rin siya sa pinsan kong bata at binata.
Ngayon, ramdam ko nasa paligid siya. Binabantayan niya ko habang nagsusulat ako ng kwento. May babae kasi akong nakikita na naglalakad sa labas ng kwarto. Samantalang mag-isa lang naman ako ngayon sa bahay.
Sorry mahaba. Pero sana naenjoy niyo. Salamat sa pagbabasa.
SIEGE
LikeShow more reactions
Comment
![](https://img.wattpad.com/cover/97104812-288-k129969.jpg)
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!