Bisita ng Aswang

2.5K 66 2
                                    

BISITA NG ASWANG

Hello mga ka-spookifier, tulad ng iba silent reader din ako dito. Itong story ko eh kwento ng Tatay Marte ko na asawa ng tita ko sa mother's side. Waray sya at may naikwento sya sa amin ng mga pinsan ko na nangyari sa probinsya nila sa Visayas. Hindi ko na kasi matandaan ung mismong lugar. Kwento daw ito ng isa nyang kaibigan na namiyesta sa baryo nila.

Nagkayayaan daw silang magpipinsan na mamiyesta sa kabilang baryo, kasi pag pyesta daw doon lahat ng bahay ay bukas para sa mga gustong makikain kahit hindi nila kilala. May isang bahay daw silang nakita kaya napagkasunduan nilang don unang pumunta. Paglapit nila sa pintuan ay sinalubong agad sila ng pamilyang nakatira don, at agad inalok ng pagkain. Nung makita nila ang pagkain sa hapag, dahil na rin sa layo ng kanilang nilakad ay agad silang nkaramdam ng gutom kaya naglagay agad sila ng pagkain sa kanilang plato. Nung akmang susubo na sila ay pinigilan daw muna niya ang kanyang mga pinsan. SInabihan niya na pigaan ng kalamansi ang mga karne sa ulam. Pagpatak ng kalamansi eh naggalawan daw ung mga karne sa kanilang plato, ibig sabihin karne daw iyon ng tao. Kaya natakot silang lahat dahil bahay pala ng mga aswang ang una nilang napuntahan. At mas lalo silang natakot dahil ung isang pinsan pala nila eh hindi nagpiga ng kalamansi sa pagkain nya at nakita nilang kumakain na ito. Agad nilang hinila ang pinsan nila palabas ng bahay na un, at umuwi sa kanya-kanya nilang bahay. Isang gabi nagpunta sa bahay nila ung tiyang nya na nanay nung pinsan nilang nakakain ng karne ng tao upang ibalita na ang pinsan nila ay biglang nagbago ng anyo. Doon na nila nakumpirma na mga aswang nga ang napuntahan nila at nahawaan ng pagka aswang ang kanilang pinsan na nakakain ng pagkain don.

Marami pang kuwento ung Tatay Marte ko na kwentong aswang, at sa kanya din namin nalaman ang mga katangian kung paano mo malalaman na aswang ang isang tao. Kahit sila ng tita ko ay nakaranas ng aswangin nung pinagbubuntis pa ng tita ko ung bunso nilang anak, na bunso din sa aming magpipinsan.
Salamat po sa matiyagang pagbabasa ng aking istorya, sa susunod na storya ko eh un namang nangyari sa mismong tita ko ung ikukwento ko.

TVOZ

LikeShow more reactions

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon