Bakit ako?
Hindi kalakihan at ganoon ka-bongga ang bahay namin. Mayroon itong dalawang palapag, tamang tama lang dahil 8 kaming nakatira sa bahay. Kaming limang magkakapatid, sila mama at papa, pati si lola. Okay naman! Masaya naman! Pero hindi yata talaga maiiwasang may mga nakakatakot na pangyayari sa bawat bahay na tinitirhan natin. Parang halos gabi gabi, kakaiba!
Sa taas, doon kami natutulog magkakapatid. Isang beses, natulog kaming lima sa isang kama lang. Nagsisiksikan lang kami. Kwentuhan, takutan hanggang sa hindi namin namalayan na nakatulog na pala kami. Sa kalagitnaan ng pagtulog, naalimpungatan ako sa kurot ng kapatid ko. Ang sakit! Hinampas ko sya at natulog ulit. Pero kinukurot pa rin nya ko. Hindi ko sya pinapansin dahil gusto kong isipin nya na tulog na ako. Hindi ko sya maintindihan. Disoras ng gabi, dapat tulog na sya.
Kinabukasan, maaga syang nagising. Umiiyak! Tinanong namin sya kung bakit. Pinapakalma namin sya. Hanggang sa nagkwento sya. ""Kagabi nagising ako. May nakatayong babae sa harap ni ate habang natutulog sya. Ansama ng tingin nya, ma. Tapos mahaba buhok nya. Akala ko nananaginip ako, pero kinurot kurot ko ung sarili ko. Hindi! Gising talaga ako. Tapos kinukurot ko rin si ate, para magising sya kaso si ateng t*nga, natulog lang!!!""
Naniwala ako sa kanya dahil may kakaiba talaga sa bahay namin e. Pero ang tanong ko lang, bat ako? Bat sakin sya nakatingin?Marami pa yan! Sa usunod nalang thank you.
Snowhite

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
KorkuTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!