PAPA and the Engkanto
Hi. I'm an avid reader of this page. I just want to share my story. Sana po maipost ito.
I came from palawan. This story is about my father.
Lumaki ako sa tita at tito at malayo ako kila papa. Every summer and christmass vacation lang ako nakakagawi sa kanila.
As I remember I was firstyear college ng malaman kong si papa dadlhin sa hospital dahil merong bumukol sa likod ng taenga nia. After checkup and tests the doctor findings it was a lymphoma cancer he said it needs an operation para tangalin ang bukol. Si mama naniniwala sa mga albularyo pero si papa hindi. Before ang operation ni papa pumunta sila ng albularyo somewhere in southern palawan para ipagamot, sabi mg albularyo gawa daw ng engkanto ang bukol na tumubo sa likod ng tenga niya kasi nasunog ni papa ang bahay ng mga engkanto dun sa farm namin. As he remember nagsunog nga siya pero medyo matagal na rin daw yon. Sinubukan siyang gamutin pero after seven days napanaginipan ng albularyo na sabi dw ng engkanto sa kanya kaylangan magpkasal ang albularyo sa engkanto(engkantada) para gumaling si papa pero natakot ang albularyo at pinasa niya si papa sa ibang albularyo after 10 days namatay yong albularyo(yung nakapanaginip sa engkantada) di gumaling si papa sa albularyo. Kapag wala ka dw trust sa albularyo useless din kahit magpagamot ka di dw umeepekto ang bisa ng mga dasal (orasyon ang tawag sa amin) no choice na kami at kailngan ipaopera kasi binubunggo na ni papa ang ulo niya sa pader sa subrang sakit. Naoperahan na si papa naging ok naman but after 4 months lumaki na naman yung bukol kaya advice nang doctor e chemotheraphy nalang, 9 session of chemotheraphy needed para daw gumaling na siya. Kinemotheraphy siya and naging ok na nman siya. After six months lumaki ulit yong bukol at yung tahi sa opera niya nagsusugat pero that time di na siya nakakaramdam ng sakit siguro dahil sa chemo. Habang lumalaki ang sugat lumiliit ang lalamunan niya halos d na siya makalunok, subrang nakaawa si papa. Pero he's still fighting for us. May 26 2015 ng biglaang kinuha siya sa amin. Nasa boarding house namin kami mg kapatid ko (ngwowork kasi kami nun sa city) 2 days before mwala siya nanaginip ang kapatid ko na ngpapaalam si papa sa kanya.kinakausap dw siya ni papa habang bonabalsamo da yung katawan ni papa. Nagulat ako that time bigla nalang umiyak kapatid ko(lalaki po siya) di namin alam sign na pala yon na iiwan niya na kami. After siya nawala nakapg attend pa siya ng college graduation ko huhuhu. May 26 siya nawala sa amin, may 29 birthday namin ng kaptid ko. Binuburol siya birthday namin nakakalungkot lang. 😞 after mailibing si papa napapanaginipan siya ng asawa ng pinsan ko na sabi niya "beng hukayin niyo yung pinaglibingan s akin hindi ba yan ako." Ilang beses niya napapanaginipan yon. Gusto nming mga anak ipahukay pero ayaw ni mama what if kong di nga dw siya yon edi mas maskit magisip kong saan siya. Bakit di siya yun, san siya napunta?'mas ok n dw paniwalaan nmin na nailibing na siya. Pero kami lahat feel namin parang buhay lang siya parang pumunta lang sa malayo.
Imissyou papa. Iloveyou.Mdami pa po akong kwento about dto sa lugar namin. Magsend ako uli kapag na post ito.
Thankyou admin.
-GEMINI
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!