4th times binaril sa Ulo

2.5K 40 1
                                        

"4th times binaril sa ulo"

Hi, ako nga pala si jayme(palayaw ko) this is my first time na mag sshare ng story dito kase baka sakali may malatulong naden kung ano nangyayare o pwede kong gawin.

So okay, taga Laguna ako. Malapit sa E.K ang subdv. Namin. Yung kwento ko. Pang 4th times na nangyayare sakin, same scenario. Walang regular na time nangyayare pag natutulog ako, diko alam kung bangungot o ano. Nasa loob ako ng isang parang bahay na gawa lang sa kahoy, yung tipong malalapad na kahoy, and alam kong gabe yun kase ni aninag ng sikat ng araw wala akong makita, pwera lang dun sa ilaw na style nya ks yung hinihila para sumindi, malapit yun sa paaan ko, nakahiga ako sa isang, siguro gawa sa kahoy at nakagapos. Tanging nakikita ko lang is yung mga nakasabit na diko maitindihan kung balat ng mga hayop o mga pinatay, diko maaninag ng matindi dahil isa lang ang ilaw. At malapit na ilaw,may mga bagay dun na nakikita. Lubid. Barena tingin ko barrna talaga sa hugis nya, pako. At meron pang iba na diko ma identigy kung ano. Then meron pumasok. Di ko malaman kung tao o ano yung hinayupak na yon. Pero yung tindig nya at pangangatawan makikita mo, pang tao. Matabang tao na di naman katangkadan. Mahaba buhok atsiguro basa basa ang buhok nya then sa mahabang buhok nya ay natatakpan ang kanyang mukha. Sobrang kaba nararamdaman ko that time kasi sya mismo nakakatakot. Nakatayo sya na mejo nakayuko sa di kalayuan sakin. Ang tagal nyang nakatayo na ganon lang. Tina try komg magsalita pero wala, di ko magawa. Then bigla syang tumatawa. Creepy ng tawaa nyaa. Yung tipong tawa na mabagal na mejo pigil. Makikita mo yung mapupungay nyang ngiti e. Tanaw ko habang papalapit sya sa direksyon ko, padaan sa ilaw,habang naglalakad sya, ikinakasa nya yung dala nyang baril habang tumatawa ng parang demonyo. At itinutok sa harapan ko bandang ulo at.. Ipinutok nya, isang malakas na tunog narinig ko bago ako magising at habulin ang hininga ko. That time, bilis ng tibok ng puso ko non. Dikolam gagawin. 4th times ng nangyayare sakin to. Parehong gantong panaginip. Ngayon lang ako naglakas loob na mag send dito kase natatakot nako, ilang beses na to nangyayare sakin. At baka may makapagbigay payo o ano. Dikolam gagawin na. Sinubukan ko din na humanap ng way para makawala sa pagkakatali ko nun that time dahil naden paulit ulit nangyayare sakin yung ganon panaginip. Sinusubukan ko humanap ng way dun sa panaginip ko paano makatakas. Pero wala. Dikolam. Sa ngayon, natatakot ako sa tuwing nangyayare sakin to, lalo na paulit ulit na.

Pasensya na kayo, di ako mapalagay sa paligid ko habang tinatype to.

Jayme,JMP
laguna

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon