Babae sa Building

1.5K 32 0
                                    

Babae sa building

Hi admins hi readers silent reader din po ako kagaya ng iba,(pero nagkocomment charot.) Sana po mapost thankyou.

Hindi ko story to story to ng mama ko nakwento niya lang,(gusto ko kasi matakot lewls)so eto na po.

Mga 1990's siguro yun (di niya kasi nabanggit kung anong taon) nagtatrabaho siya sa isang bangko sa makati

isang gabi nagover time sila ng dalawa niya pang ka officemate na babae si officemate 1 tsaka si officemate 2,so 3 sila (malamang)e di yan na nga work work work ganern,tapos mga bandang 11pm tumayo si officemate 2 at nagpunta sa may llikod dahil may kausap siya sa phone,e di si muji nalang at officemate1 ang nag wowork then maya maya si officemate 1 and si muji sabay na lumingon sa likod nila at tumingin kay officemate2 (as in sabay talaga yung parang akala mo pinagplanuhan nilang sabay na lumingon pero hindi,as in biglaan)

so si officemate 2 nagulat at biglang nagsabi ""oh bakit sabay pa kayong dalawa tumingin?"" Sumagot si muji na ""wala wala"" at ""tara uwi na tayo 11 na pala"" so nagayos na sila ng mga gamit nila at sabay sabay na umuwi.

Lumipas ang ilang araw,habang ngtatrabaho sila,biglang naopen ni officemate1 kay muji yung nangyari tinanong niya si muji, ""cie bakit ka lumingon nung nakaraan?"" Sabay sagot ni muji ng mahina ""eh kasi may narinig akong babae bumlong,ang sabi"" ""umuwi na kayo"" ""ganun din ba narinig mo kaya ka lumingon din?"" tanong ni muji kay officemate1 sumagot si officemate1 sabi niya ""oo"" so kinilabutan sila pareho,alam na ni muji na iba yung bumulong sa kanila pero hindi na niya sinabi kay officemate2 para hindi na matakot si officemate2 (tapang tapangan ang peg).

Tapos po nasabi ni muji na may history daw yung bldg na yun na may narape na babae habang ginagawa yun,everytime daw na may mag oot dun lagi siya nagpaparamdam, kapag babae daw ang nag oot nagpaparamdam yung babae na parang nagwawarning lang na gusto na sila pauwiin, pero kapag lalaki daw ang nag oot, nagwawala daw yung babae as in parang nagdadabog

Marami pa po siya nakekwento sakin,next time nalang po pag nabigyan ng chance thankyou po.

~pringles
Parañaque

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon