HEADLESS
Hello po! ☺
Avid reader here. Gusto ko lang po sana i-share ung story ko about sa pamangkin ko. Pamangkin sa pinsan actually. Hndi sya sobrang nakakatakot pero keribels naman. And isama ko na din po ung ilang creepy story ko na naranasan noon.
So here it is..
We were at the kitchen non eating lunch tas biglang nagsabi si ate na magtimpla daw ng ice tea si Jumong (Panganay na anak ni ate)..
Jumong: Aba mommy ayoko!
Ate: Dali na! Ano di ka na naman mautusan?!
Jumong: Ate Bum ikaw na.. (He's referring to me)
Ate: Ikaw inuutusan! Ipapasa mo pa sa iba!
J: Aba mommy natatakot ako!
Wawi (Malayo sa real and nickname nya, bunsong anak ni ate): Mommy ako nalang po..
Ate: Wag na Wawi.. di mo abot yon..So ako nalang ung tumayo para magtimpla since di naman talaga mapipilit si Jumong dahil duwag talaga sya. Nasa tindhan ung fridge at ung ice tea. From kitchen dadaan kang living room straight non is pinto na ng tindahan. Tas sa gilid ng pinto ng tindhan may salamin. Sa likod ng salamin is ung switch ng ilaw sa tindahan. I was about to turn on the light.. Tas biglang napatingin ako sa salamin and I saw Wawi standing. HEADLESS. Gosh, di talaga ako nakakilos. Para akong na-frozen. Nagloading ung utak ko as in. Talagang di ako makapaniwala sa nakita ko. Ganon. Then sinabi ko sa sarili ko "No, imagination ko lang yon. Hindi. Hindi." Naduwag na ko kaya di na ako nakaderecho sa tindhan. Eh sarado kami that time kaya sobrang dilim don. Bumalik akong kitchen. I tried not to cry but di ko nagawa. I can't imagine my nephew, dead. I can't afford to lose him. Lalo na si nanay (Lola niya). Siya kase ang paborito ng lahat dito. He's sweet, jolly, friendly and clingy. As in baby namin sya. I cried and cried and cried. Ate asked me what happened. I can't tell her in front of nanay kase nga alam ko na maha-highblood yon. Lumabas kami sa likod ni ate and dun ko sinabi sa kanya ung nkita ko. Niyakap nya agad si Wawi and paiyak na sya. Nagpanic na non si nanay kase nga nag iiyakan na kmi.
Nanay: Ano ba? Ano ba yon?! Ano ba nangyari?! Sabihin niyo naman kase!
I can't tell her kse nga maha-highblood sya. But then I realized na kahit do ko sabihin sa kanya maha-highblood din yon kakaisip kung ano ba nangyari.
Ako: Nay, kase po.. si Wawi.. *sob sob*
Nanay: Ano nga! Ano kay wawi?!
Ako: Nakita ko po na walang ulo *cries*
Nanay: Diyos ko, Panginoon ko! *cries* wag po.. wag po ang apo ko!Hinubaran nya agad si Wawi at kumuha ng kampit at dumerecho sa likod.
Nanay: Halika! Ipaghukay mo ko sa likod. Ibaon mo tong damit ni toto.
So I did. While crying, naghuhukay ako at nagdadasal. So is nanay and ate. Naiyak na din si Jumong. We are all crying except Wawi. Wala syang alam sa nangyayari.
After the incident, nagpaparosaryo na si nanay sa bahay everyday. Lagi na din may suot na rosaryong kalmen si Wawi after the incident. But thank God kase wala naman nangyaring masama sa kanya. Pero still, we're extra careful sa kanya. Di na sya hinahayaan mag isa sa kwarto at kung saan, di sya pinapayagan lumabas ng bahay unless pupuntang school. Tinakluban ni nanay lahat ng salamin sa bahay.
After non, Wawi kept uttering numbers. One time tataya si nanay sa huweteng, may sinabing number si Wawi tas di nya pinansin. Yun ung tumama! The next day ganon din, tataya si nanay at may sinabi ulit syang number at tinayan na ni nanay yon. Tumama. Up until now ganon pa rin. Every number na sabihin niya tumatama. Nagkaganon lang matapos ung nangyari. Ang mga tao din dito samin nataya na ng mga tinatayaan ni nanay asking "Yan ba ung sinabi ni Wawi?"
I know it's not creepy but it's weird. Kung ano man nangyayari sa pamangkin ko, I don't know. But as long as he's ok and safe, ok na kami don. Wala naman nagbago maliban don. Sana lang wag dumating sa point na para syang ung sa knowing ba yon na movie? Yung nagsusulat ng numbers ung bata tapos each numbers are date pala. Date ng mga accidents na nangyari. Ayon lang.
Tita Bum

BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HororTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!