Third Eye
Hi admin. Sana po mashare tong story ko. Silent reader po ako ng Spookify Karamihan sa mga tropa ko nagbabasa din po nito So ito na nga sisimulan ko na. Nagsimula ito noong Grade 2 palang ako. Kasi lumipat kmi ng tinitirihan. Sa tita ko kasi nga nag iisa lg sya dun sa pinarenovate nyang bahay. So para may kasama sya, doon niya kami pinatira. Unang gabi namin dun sa bahay, ok naman. Pero nung mga sumunod na araw parang may nararamdaman akong kakaiba. Kasi yung pinto sa kwarto ni tita kusang bumubukas at biglang sasara. Hindi ko nalang pinansin yung kasi akala ko dahil lg sa hangin yun. Pero nagkamali ako. Hanggang si mama naka experience din ng ganon. Kasi habang may pasok ako si mama lang mag isa dun sa bahay kasi si tita nagtatrabaho din. Hanggang sa magpatuloy yung pangyayaring yun kaya kami ni mama hindi nalang namin pinapansin. Then one time, palabas ako ng bahay bubuksan ko na sana yung pinto pero biglang bumukas yung piano! (Yung piano kasing yun parang luma na yung may takip pa sa kanyang keyboard) Kaya nagulat talaga ako! Parang hindi ako makagalaw. Buti nalang dumating si mama kaya yun parang bumalik yung normal na kaisipan ko. Hindi ako namalikmata totoo talaga yun. Kaya sinabi ko kaagad kay mama. Pero sabi ni mama pabayaan ko nalang daw hindi naman nila ako inaano. Kasi sabi ng mga kapitbahay namin parang may nakatira na daw doon na hindi natin nakikita dahil matagal na daw na walang nakatira doon. Pinarenovate lg kasi yun ni tita. So pagkalipas ng ilang taon parang na'use na talaga kmi sa mga kababalaghang nangyayari doon sa bahay na yon. Marami akong nakikita na hindi nakikita nila mama. Minsan nga ng dumating ako sa bahay pagkatapos ng klase ko nagulat si mama nung pumasok ako kasi daw meron daw pumasok kanina sa kwarto ko akala nya daw ako kasi magkatulad daw kmi ng suot at pati yung bag. Kaya kinilabutan ako parang ayoko ng pumasok sa kwarto ko pero nilabanan ko yung takot ko. Salamat sa diyos at wala naman akong nakita. Then after that year 2015 or 16 ata, Grade 10 ako. Hindi ko na matandaan yung month. Nagkasakit ako. Nakahiga ako sa kwarto ko around 6pm ata. Then si mama naman nagluluto sa kusina. Habang nagmumuni muni ako, biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Akala ko si mama pero hindi Isang anino ng lalake. Anino lg siya. Papalapit sya saakin ng biglang nasa harapan ko na yung anino ng biglang may bumulong sakin. Sabi nya "patyon tka" (It means papatayin niya daw ako) Shempre sa takot ko kumaripas ako ng takbo palabas ng kwarto papunta ako kay mama. Nang dumating ako kay mama grabe yung iyak ko. Ilang minuto ag lumipas dumating si papa. Nang makita ako ni papa na umiiyak parang nataranta sya. Sabi nya ano daw ang nangyari sakin sinabi rin sa kanya ni mama yung dahilan. Kaya ayon sinamahan nila ako. Hindi parin ako tumitigil sa pag iyak ng biglang nawalan na ako ng malay. Hanggang doon lang ang natatandaan ko. The rest of the story ay kinwento lang sakin ni mama. So ayun na nga nung nawalan ako ng malay humingi si papa ng tulong sa kapitbahay namin. Sabi ng isa naming kapitbahay baka raw sinapian ako. Tumawag din yung isang kapitbahay namin ng tricycle upang madala ako sa hospital. Nang dumating yung sasakyan agad akong binuhat ni papa laking gulat niya daw kasi bakit daw aang bigat ko na! Kasi nga hindi naman ako mataba. Payat ako eh. Pero nakapagtataka ang bigat ko daw sabi ni papa. Habang papunta kmi ng hospital nagdadasal daw si mama. At umiiyak na daw nun si papa kasi hindi nila alam kung ano talaga yung nangyayari saakin. Nang makarating kmi sa hospital dali dali daw akong binuhat ni papa papunta sa E.R. at nagulat sya bigla na akong gumaan. Nagulat din si mama ng bigla akong dumilat at yung mata ko daw eh parang nananaliksik na parang galit na galit. Tumawa daw ako ng malakas. Iche'check na sana ako ng doctor kaso nagpupumiglas daw ako na parang tatakbo. Nahihirapan na rin si papa sa pagpigil sakin. Gulong'gulo na daw yung buhok ko. Nagwawala daw ako. Nilapitan daw ng isang babae si mama at sinabihan na baka raw sinapian ako kasi yun din ang nangyari sa ate niya. Binigyan nya din si mama ng rosary. Sabi nya ibigay daw sakin ni mama. Akmang ibibigay na daw sakin ni mama pero bigla daw akong tumingin kay mama na parang susunggaban ko daw siya. Hindi ko na daw kilala si mama nung mga time na yon. Napagsabihan pa daw si mama ng doctor na baka daw nag dradrugs ako! Heler? Hindi pa nga ako nakakakita niyan!
So pagkalipas daw ng ilang minuto kumalma na daw ako. Hindi ko na daw pilit na kinukuha yung oxygen kasi nilagyan daw ako ng oxygen ng isang nurse dun. Kasi nga akala niya nahimatay ako kaya nilagyan nya ako ng oxygen. So ayun na nga habang kumakalma ako nilagay ni mama yung rosary sa pocket ko. At bigla daw akong nahimatay ulit. Then paggising ko, nagtataka ako kasi hindi ko alam na nasa hospital kmi. Kaya ayun pinauwi na ako ng doctor kasi daw wala nman akong sakit. Ok naman daw yung results ng test nila sakin. Nang umuwi na kami sa bahay hindi na ako natulog sa kwarto ko dun na ako kila mama. Para mabantayan nila ako. The next day sumakit yung buong katawan ko kasi nga nagpupumiglas daw ako sa hospital. Pagkatapos ng pangyayaring yon, marami parin akong nakikitang kung ano ano. Sa school namin marami na din akong nakikita at naexperience na kababalaghan. Sabi nga nila bukas daw yung third eye ko. Kaya sa mga teenagers na katulad ko, palagi kayong magprat tsaka magdala ng rosary. Para mapalayo tayo sa kapahamakan. Thank you for reading po Hello sa mga frienda kong nagbabasa nito. *Jekay, Lej & Kirvy
Christela from Iloilo City
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
TerrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!