Ikaw ba yun?
It happened nung May lang sa isang ospital. Na-high blood kasi si mama ng bongga kaya sinugod namin sa emergency room ni ate ko na nurse. Supposedly uuwi na kami after nyang macheck kaso ayun may mga ginawa pang tests kasi di lang pala pagka high blood problema ni mama. So ayun daming tests na ginawa until kinailangang i-confine si mama. Ako lang yung free nung time na yun kaya ako lang magbabantay sa kanya. First night... okay naman nakakaidlip ako ng maayos, sakto malamig kasi may aircon. Until the next day binisita sya ng mga friends nya and ng mga kapatid ko. Si ate pasilip silip lang sa kwarto since nakaduty sya. Nung umalis na yung bumisita kay mama at kami na lang pamilya natira, biglang bumukas pinto ng cr. Inisip ko baka di ko lang naitulak ng maigi ang pinto kaya di lumapat. That night mas nafeel kong makapahinga naman kasi may kasama na ko magbantay which is yung kapatid kong sumunod sakin.
Gabi na nun bed time na kumbaga at kasalukuyang umuulan kaya sa sobrang lamig di pwedeng di kami magjacket. She wore a black jacket habang ako naman nakawhite. Bago ko umidlip naghugas na muna ko ng pinagkainan namin sa may maliit na lababo dun na ang pwesto ko e nakatalikod sa kanila. Until bigla akong napalingon at napatigil sa nakita ko. Alam kong kapatid ko yun dahil itim suot nya pero... bakit iba itsura ng buhok nya.. mahaba (short hair kasi kapatid ko) half tied at seryoso ang mukha nya. Kitang kita ko kahit nakatagilid sya kasi napatitig ako until napansin ako ni mama dahil nag iba talaga itsura ko. Inignore ko lang muna kasi baka kako namalik mata lang ako. Hanggang sa pumunta na lang muna ko sa may upuan malapit na napansin ko na naman sya. GANUN NA GANUN NA ULIT NAKITA KO. BABAENG NAKAITIM NA MAHABA BUHOK. SERYOSONG SERYOSO MUKHA KAHIT GILID LANG KITA KO.
That time di ko na napigilan sinabi ko na kay mama sa sobrang takot ko. Kaya pinahubad na lang ni mama sa kapatid ko yung itim na jacket at pinatago nya sa cabinet. Pinalapit ako ni mama sa kanya sabay pinahiran ng langis sa parehong palad pati sa noo na pa krus ang pahid at pinagdasal nya ko. After nun nagpatugtog rin kami ng praising song. Sa sobrang takot ko tahimik lang ako buong gabi at ayaw kong pag usapan namin kasi baka anytime mas tumindi pa makita ko.
Kinabukasan, pwede ng ilabas si mama. Dumating na rin si tita para tulungan kami mag ayos ng bayarin at ihatid pauwi. Nagkwentuhan muna sila about sa nangyari nung gabi.. nang biglang bumukas na naman yung pinto. Di na ko umimik kasi ayoking takutin sarili ko pero may naramdaman na ko that time.. di ko lang pinansin. Umalis muna kami ni tita saglit after nun dahil may binili. Pagbalik namin okay na lahat pwede na kami mag out nang biglang MAY UMIYAK NG MALAKAS. YUNG TIPONG UMUUNGOL NA IYAK (KINIKILABUTAN PA RIN AKO HABANG KINUKWENTO TO). Akala namin sa kabilang kwarto lang o sa labas ng room namin pero te walang umiiyak. Walang bata, walang babaeng umiiyak sa labas hanggang sa inakala ko yung kapatid ko pa yun. Kasi nung una parang naghahumming lang at nung tinanong ko na kapatid ko kung sya ba yun at itinanggi nya. Biglang tumigil ang iyak. Sa sobrang takot ko lumapit ako kila mama tas biglang may umiyak ulit. That time sooobrang lakas na ng iyak nya na napatakip na lang ako ng tenga at pumikit sa sobrang takot ko. Pati ako mangiyak ngiyak na. Binuksan nila yung pinto ng kwarto then tumigil sya, after nun pinagdasal namin. Then dali dali kaming lumabas ng kwarto. Nakita namin ang katabing kwarto pala namin ward para sa mga bata kaya napakalma ako ng konti nung nakita ko yun. Kasi sabi ko sa isip isip ko baka bata lang pala yun.
Kinagabihan nasa bahay na kami, naaalala ko pa rin boses nung umiiyak. Sa sobrang takot ko kahit saan ako magpunta nagpapasama ko sa kapatid ko haha. Then dumating si ate, kinwento namin with matching tawanan pa kahit alam namin na lahat naman kami ng nasa room na yun sa ospital e narinig yung umiiyak. Until sinabi ni ate WALANG NAKACONFINE SA KABILANG KWARTO NYO NA WARD. NI ISA WALANG NAKACONFINE DUN. SA RIGHT SIDE NYO NAMAN NAKALABAS NA MAS MAAGA PANG NAKALABAS SA INYO AT MATANDANG LALAKI YUNG NAKACONFINE DUN. MERON TALAGANG BABAENG NAKAITIM NA GUMAGALA SA OSPITAL. NAGPAPAKITA TALAGA YUN AT YUNG UMIIYAK MAY IBA NG NAKARINIG NA RIN NUN NA PASYENTE DATI. PINAGPAKITAAN KA NYA TALAGA. MULTO TALAGA YUN.
do-wag
Manila
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HorrorTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!