Balangay

1.5K 23 0
                                        

"Kwento lang sa'kin 'to ng boyfie ko. Marami siyang spooky stories na ikinuwento sa'kin pero dito ako pinaka natakot.

So here it goes..

First year high school siya nun sa BCI. Kasali siya sa CAT at may training sila kung saan kailangan nilang mag-over night sa school. Natutulog na raw sila nun, around 1 to 2 am. Nang biglang may narinig silang sumigaw ng ""BALANGAY"" (word sa kanila na ang ibig sabihin sa'tin ay ATTENTION). So sila naman, nagulantang at agad-agad bumangon para ihanda na ang sarili sa pagbaba. Etong si boyfie, malapit ang pwesto niya sa pwesto ng leader nila na dapat sisigaw ng ""BALANGAY"" at dahil natataranta na si boyfie, nasagi niya ng hindi sinasadya 'yung leader nila kaya nagulat siya ng makita niya itong bumangon. Naisip niya na kung kakabangon lang ng leader nila, sino 'yung sumisigaw ng ""BALANGAY"" sa field? Kinausap niya agad 'yung leader nila. Sabi niya ""Sir, pakinggan niyo po 'yung sumisigaw sa baba."" Kasabay nito, naririnig nilang may nagtatakbuhan sa taas para kunin 'yung mga riffles (correct me if I'm wrong) at naglalaglagan 'yung mga alikabok sa kisame (kahoy lang) kaya rinig na rinig daw talaga nila 'yung mga yabag ng paa. Takot na takot na sila nun. Sinabihan na lang sila ng leader nila na mag-pray at huwag na huwag titignan 'yung nangyayari sa baba. Habang nagdadasal sila ng nakabilog, rinig na rinig nila ang pagmamartsa ng mga paang naka-combat shoes sa field. Hindi sila nagkakamali, may ibang nilalang na nagte-training sa baba. May kaklase siyang nagpaalam na iihi raw. Pero dahil pasaway siya, sinilip niya sa kurtina 'yung mga nasa baba. Nagulat na lang daw sila boyfie at mga kaklase nila ng biglang umiyak 'yung makulit nilang kaklase at mukhang takot na takot na nakaupo sa baba ng bintana ('yung upong yakap niya ang kanyang binti) at pawis na pawis ito na namumutla. Nilapitan siya ng leader nila at ng mga kaklase nila. Pinipilit nilang pakalmahin siya, nakatatlong inom siya ng isang basong tubig bago tuluyang mahimasmasan. At ng nasa sarili na ito, tinanong nila kung anong nakita niya sa baba. Habang tinatanong nila ito, naririnig pa rin nila ang pagmamartsa ng mga naka-combat shoes na paa at pagsasabi ng ""KALIWA KANAN KALIWA, KALIWA KANAN KALIWA KANAN"". So 'yun na nga tinatanong nila kung anong nakita na lubos naman nilang ikinatakot ng malaman nila. Sabi nung nakakita, mga sundalong walang ulo raw ang nagmamartsa. Tapos 'yung sumisigaw ng ""BALANGAY"" malaking tao raw na walang ulo at hawak-hawak daw nito 'yung ulo sa gilid niya. Pagkatapos niya itong masabi, humagulgol daw ulit ng iyak, natulala na at hindi na nagsasalita. Tinawagan nila 'yung mga magulang at guardian nila. Umaga na nung nakarating ang mga ito. Si boyfie, takbo agad sa lola niya. Tapos simula nun, hindi na sila nagpapatulog ng mga estudyante sa school kahit anong event pa yan. Pina-bless 'yung buong school, sinabay sa sportsfest.

P.S: Nabalitaan na lang daw nila na nabaliw na 'yung nakakitang kaklase nila."

Jihad

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon