Maputlang paa
Hi, ako nga po pala si Eight (nickname ko), taga iligan city, 18 years old. Hindi ko po to story, sa ex ko po. Nakakakilabot kasi tong kwento nya kaya isheshare ko dito
🙂
Nangyari to nung 3rd year college na ang ex ko, ako naman freshman pa. Pag 3rd year kasi sa course nila eh pinapatira sila for 1 week sa isang maliit na bahay sa itaas ng college building nila. Para syang boarding house pero ONCE a year lang to ginagamit which is really creepy para sakin. So yun 1st day nila pinabili muna sila ng stocks for 1 week, kasi di sila pwede lumabas sa campus habang andun sila. Dahil sobrang drained sila, maaga silang natulog. Wala namang unusual na nangyari sa 1st night nila pero 2nd year pa lang eh alam na nila ang kababalaghan na nangyayari sa bahay na yun. Fast forward ko na sa 3rd night, bumili sila ng baraha nun para pampaaliw sa sarili kasi walang TV, cellphones etc. While naglalaro sila ay meron silang naririnig na creak sa may pintuan ng cr. Nung una di lang nila pinansin kasi luma na raw ang pintuan, baka daw sa hangin lang. Ilang minuto na ang lumipas biglang narinig nila na may malakas na *blag* sa cr, yung parang galit na sinara ang pinto. Natakot na sila nun kasi naalala nila lahat ng kwento tungkol dun sa bahay. Kaya pinagpasyahan nila na matulog nalang kasi 11pm na.
Di pa dun nagtapos ang katatakutan na nangyari, ang sunod na nangyari ay sa 5th night nila. At yung ex ko talaga ang pinaka naapektuhan ng pangyayaring yun. Double deck kasi ang kama nila, pang dalawahan lang. At dahil tatlo sila, kinuha nalang nila ang cushion at nilatag sa floor para tabi tabi silang matulog. Nagising ang ex ko nun dahil naiihi daw at syempre dahil inaantok pa, di pa masyadong aware sa surroundings. Umihi nalang sya sa banyo ng hindi sinasara ang pinto tutal tulog naman mga kasama nya at puro babae lang. Matapos nyang umihi ay humiga na sya ulit malapit sa double deck na kama. Alam nyo yung feeling na pag nagising ka sa gabi ay parang ang tagal mo ulit makatulog? Yun ang sitwasyon ng ex ko, pumikit lang sya pero conscious pa sya sa surroundings nya. Mga ilang minuto ang lumipas meron syang narinig na gumagalaw sa double deck. Nung idilat nya ang mata nya may nakita syang nakaupo na babae sa itaas ng kama. Di nya naaninag ang mukha kasi blurred, natakot sya sa paa kasi ang putla tapos yung veins visible na visible, pumikit sya habang nakahug sa katabi nya. Nagpray din sya for a couple of minutes pero nafefeel nya na merong papalapit sa kanya kasi gumalaw ang cushion malapit sa paanan nila. Di sya tumigil na magpray hanggang sa nakatulog na sya. Kinaumagahan kinwento nya ang pangyayari sa kanyang mga kasama, at syempre natakot din sil. Pero dahil required na tapusin ang 1 week dun, di nalang sila nagreklamo sa professor. Nagdadasal nalang sila lagi before matulog at effective naman kasi di na sila pinaparamdaman ng mga nakatira dun.
Nakalimutan ko kung ano course nya pero related kasi yun sa management ng food, parang business course related ata. At sorry if mali mali ang tagalog ko, di kasi ako fluent sa tagalog eh hahaha. Sana mapost tong kwento na to para makashare pa ako ng marami, yung personal experience ko naman
🙂
Eight
![](https://img.wattpad.com/cover/97104812-288-k129969.jpg)
BINABASA MO ANG
Spookify 2017
HororTotoo ba talaga ang mga Multo?Aswang?Demonyo?Engkanto?O kung ano ano pang masasamang nilalang?Alamin natin ang ibat ibang storya ng ating mga spookifiers na nakaranas ng mga ka kilakilabot ma mga karanasan nila!