Manggagamot

2.9K 54 0
                                    

Manggagamot

Hi. Ito yung second story na ishe-share ko dito. Hindi naman napost ang una kong sinend kaya sana ito man lang. Hahaha. Medyo mahaba kasi detalyado kong ikukuwento para maintindihan. Pasensya na :)

Hindi ito nakakatakot pero may mga tanong sa isip ko. Kinuwento lang ito ng nanay ko sa akin, nagulat nga ako at bigla siyang tumabi sa akin kasi di naman kami close at nagsimula siyang magkuwento ng mga nangyari. Ito..

Ang nanay ko kasama ng kapatid ko na 5 yrs old, ng Lola S ko, si Lola B, Lola G at Lola M. Nagpunta sila sa kilalang manggagamot sa kadahilanang may nararamdaman silang mga sakit sa katawan.

Sabi ng nanay ko, mahina daw ang paniniwala niya sa mga ganon pero nagulat siya sa nangyari at naamaze kay Brother S. Hindi daw talagang albularyo eh, basta manggagamot. Maraming pumupunta kay Brother S dahil magaling nga daw ito at talagang nakakapang pagamot. Hundreds ang pumipila sa kaniya. By 5's ang pumapasok.

Noong sila na ang papasok, una ang nanay ko. Agad tinanong ni Brother S ""May dala ka bang picture?"" Hindi alam ng nanay ko ang sinasabi ni Brother kaya naman sumagot siya na ""wala po"". Sunod pumasok si Lola S, at alam ni Brother na siya ang nanay ng nanay ko. Ang picture pala na sinasabi ni Brother ay picture ng tita ko na mahigit isang taon nang lumayas at ipapagdasal daw niya ito. Pumasok na rin ang tatlo pang mga lola at nagsimula si Brother S.

Lahat ng sinabi ni Brother S ay ikinagulat nila dahil alam nito ang kuwento sa mga buhay nila kahit ngayon lang nila ito nakaharap at nakilala. May tao daw sa likod ng paglayas ng tita ko which is totoo. Magsimula tayo sa mga sinabi ni Brother S tungkol sa nanay ko. Uulitin ko, ito ang unang beses na nakaharap nila ito.

Sakitin daw ang nanay ko, may UTI, lagi sumasakit ang likod at sikmura, ulo at madalas nahihilo. Sabi ni Brother sa nanay ko na wag na daw siya mangangako magsimba kung hindi niya ito gagawin. Nagulat ang nanay ko kasi lahat ng yan ay totoo. Nanay ko lang ang nakakaalam na nangako siya sa sarili niya na magsisimba pero hindi niya ito nagawa.

Sa kapatid ko naman, matampuhin daw ito at mahilig mangatwiran kahit bata pa. Hindi nagpapatalo kapag pinapagalitan. Totoo yan.

Sa Lola S ko naman, yun nga yung sa tita ko na lumayas. Anak niya kasi yon at kapatid ng nanay ko. Hiningi niya ang picture para ipagdasal.

Kay Lola M at Lola B naman, may nangulam daw or something. Nakalimutan ko ang sinabing term ng nanay ko ""Nagpapalipad hangin""?? Pasensya na, hindi ko maalala. Oo nga pala, kapag hindi daw pantay ang dalawang pinakamaliit na daliri, pinaglalaruan daw ang tao na iyon. Nakita nga nila na hindi pantay ang dalawang pinakamaliit na daliri nina Lola M at Lola B. Hinilot ang dalawa at nagpantay na ulit ito. Sinabi sa kanila ang dapat gawin para hindi na daw sila gumastos at magpabalik balik sa ospital. Kay Lola G naman, hindi ko alam kasi hindi naikuwento ng nanay ko.

Alam din ni Brother S na ilang beses na muntik maghiwalay si Lola B at ang asawa niya. Alam niya ang eksaktong sinabi ng isa naming lolo bago ito mamatay which is "" Kapag mamamatay, mamamatay"".

Basta sobrang dami nitong sinabi na totoo at nakakagulat.

Hindi naman daw naniningil si Brother S at hindi pinipilit na magbigay ang mga ginagamot niya. Kahit maliit na donasyon lang daw na bente o di kaya pagkain.

Naniniwala ba kayo sa ganiyan? Napanood niyo ba ang pelikulang ""Seklusyon"" na may false prophet? Nanggagamot din kasi ang bata na yon diba? Kinilabutan nga ako sa pelikulang iyon pero maganda naman. Pero sa totoong buhay, hindi naman sinasamba si Brother S lol. Nakakamangha lang na mayroon siyang ganong kakayahan. Ano po sa tingin niyo?

DaraGondara

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon