Barko

1.5K 28 0
                                    

Kwento ng kuya kong seaman to. May kasamahan siya sa barko na itago nalang natin sa name na mark. Masiyahin si mark, normal naman daw siya. Nakatrabaho na niya si mark sa dati nilang sinasakyang barko, pero netong pangalawang beses na nakasama nya sa barko si mark naging kakaiba daw si mark. Palagi daw nagrereklamo na di makatulog sa cabin niya sa barko (Kanya kanya daw kasi sila ng kwarto sa barko). Aminado naman yung kuya ko na yung barko na nasakyan nila ay sobrang luma na. Ang kwento pa ni mark, may pumapatay ng ilaw sa kwarto nya hanggang sa lumala, hinahatak na yung paa nya. Di na makatulog si mark kaya di na rin siya makapagtrabaho ng maayos, sinasabi nya lahat ng naeexperience nya sa kapitan at mga kasamahan nila pero di siya pinapaniwalaan. Hanggang sa nakikita na daw ni mark yung taong itim na yun, kwento ni mark sa kuya ko nakakatakot daw yung nagpapakita sa kwarto nya, babaeng itim daw. Naniniwala yung kuya ko kay mark kasi nakakaramdam din siya ng mga nakakakilabot na pangyayari sa lumang barko na yun.

Pinagtatawanan lang ng mga kasamahan nilang seaman si mark, akala nila nababaliw lang. Hanggang sa lumala na, nakikita na si mark na nasa balcony ng barko na parang nagbabalak tumalon kaya kinulong ng mga kasamahan nila si mark para di ito tumalon sa dagat. Pero ang masaklap, kinulong si mark sa kwarto nya kung saan niya nakikita yung babaeng itim. Kinulong siya pero isang gabi, nakatakas si mark at tumalon siya sa dagat. Namatay si mark, dineclare ng company na nagsuicide siya at hindi na nahanap yung katawan nya. Walang problema sa pamilya si mark o kahit anong pinagdadaanan. Sadyang ginambala lang siya ng nagpapakita sa kanya sa cabin nya sa barko.

Nung natapos na yung contract ng kuya ko sa barko, napagkwentuhan nila yung about sa napagdaanan ni mark at madami din seaman na sumakay sa barko na yun ang nakakita sa babaeng itim na yun. At totoo nga daw na haunted ang barko na yun dahil sa kalumaan nito.

MV kleili

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon