Love Never Dies

1.6K 56 6
                                        

6yrs old ako ng makilala ko si Elmo, Siya yung childhood sweetheart ko, Lagi kami magkasama tuwing bakasyon, lagi kami naglalaro, Ewan kahit bata pa ko ang gaan gaan na ng pakiramdam ko sknya at nangarap akong sa paglaki nmin siya na yung lalakeng para skin. Pamangkin sya ng asawa ng tita ko, Taga nueva vizcaya siya at ako naman Bulacan. Tuwing bakasyon umuuwi kami pareho sa nueva Ecija. Lagi akong excited magbkasyon para mkita siya. Ang saya ko pag kasama siya, sabay kami nliligo (bata naman kmi kaya wlang malisya). Ginuhit nmin sa puno ng duhat ung pangalan naming dalawa. (M&E) nung kinasal yung tita ko at tito nya, Uso ung sayawan don bago ikasal so ayun Pinilit kami sumayaw ng mga tao don, at nung tita ko at tito nya. Wala kami nagawa medyo nahihiya kami. Sweet dance sinayaw namin tandang tanda ko yung kanta ""Always be my baby"" nagsayaw kami hanggang sa matapos ung kanta. Nagtitigan kami at niyakap nya ko. Syempre nahiya ako kasi ang dami nagsisigawan pero keri lang 12 yrs old na kmi nun kaya medyo iba na pakiramdam nming pareho.. 2nd yr High school ako, Year 2012 excited ako umuwi ng bakasyon dahil sa kanya, Pero walang elmong sumalubong sakin. Until my auntie's said that Elmo's Passed away. Naaksidente siya ng mahulog daw sa trak. Aksidente daw bumukas ung pinto ng trak at nahulog siya at nasagasaan ng kasunod nilang sasakyan. Napaka lungkot ko nung nlaman ko un. Umiyak ako ng umiyak. Parang hndi ko matanggap, Pinupuntahan ko ung mga lugar na Madalas namin puntahan ni elmo, Sa punong malaki na may M&E may npansin ako sa ibaba nya. May nkita akong ILOVEYOU PANGS. Pangs kasi twag nya skin. Diko npigil ung luha ko. Ni hndi ko man lang nasabi sknya ung narramdaman ko. Na mahal ko siya kahit nung mga bata palang kami. Ang lungkot lungkot na wala na siya, na wala nkong kaibigan na lagi kong kinakasabikan makita twing bakasyon. But one night we had a chance to talk personally through my dreams, "" Sabi niya, Pangs, sorry kung Diko na natupad ung promise ko sayo na di kita iiwan, Sorry kung nawala ako agad.  Sorry kung dina ako ung mgging escort mo sa debut mo diko nman sinasadya, Pero wag ka mag alala. Dimo man ako nakikita palagi lang ako nandito sa tabi mo. Ako pdin ang tagapagtanggol mo."" Sinasabi nya un habang nakangiti. Ako umiyak lang ako ng umiyak :(. Ngayon 19 yrs old nako. Tuwing bakasyon lagi kopa din pnupuntahan ung mga lugar na ksama ko siya dati. Parang kailan lang nung masaya pa kami naglalaro. Last May 2016 Habang nkaupo ako sa puno ng duhat, may humawak sa kamay ko. Pumikit lang ako at inisip kong siya yun. Dipa din sya nawwala sa tabi ko. Alam kong kasama ko sya palagi. Nagpaparamdam sya skin tuwing naaalala ko siya. 

Pangs
Bulacan

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon