Death Bed

21.8K 401 20
                                    

Death Bed

Kadalasan daw namamalagi ang mga kaluluwa sa mga bagay na importante o naging parte ng buhay nila, mga bagay na di nila mapakawalan o mga ala-alang di malimutan. Ito ay istorya tungkol sa aking lola at iba pang mga nakakulong sa kanyang kama...

Taong 2002 nang madiagnose ng diabetes ang aming lola. Masungit ito nung kalakasan nya, pero sya yung tipong magagalit para ipakitang mahal ka nya. Madalas kami sa ospital nung mga panahong yun, nagbabantay, nag aalaga, hanggang sa dumating na nga ang araw kung kelan kailangan nya na kaming iwan. Masakit ito para sa aming pamilya pero kelangan magmove on. May mga bagay si lola na nasa amin pa din nung panahong yun, kabilang na dito ang isang kama. Yung kama sa mga ospital, yung reclining bed ay binili nila Tita dahil bago sya nawala ay ginusto nyang umuwi, marahil ay ayaw nyang bawian sa ospital.

Ang kama ay nasa second floor ng bahay, walang gumagamit nito dahil may kani-kaniya naman kaming mga kwarto, kung minsan nga eh nilalagyan nalang ng mga damit na ititiklop un. Ilang buwan pa ay nagkaron kami ng kasambahay, bata pa ito, mga nasa 18 kung aking natatandaan, si Ate Gina, di nya tunay na pangalan. Kalaro namin sya ng mga pinsan ko at gaya ng iniisip nyo doon sya natutulog sa kama ni lola. Nung mga unang stay nya ay wala naman syang reklamo, magaan ang tulog nya sa gabi maging sa hapon. Madalas ding bukas ang ilaw nya sa 2nd floor para naman kung kelangan namin sya ay madali syang hanapin.

Akala namin ay ok sya nung mga panahong yun, nagkamali pala kami. Isang gabi ay nagkwento sya sa amin. Isang hapon daw habang kami ay nagsisiesta nanaginip sya, may humahawak daw sa mga kamay at paa nya at inilulubog daw sya sa kama, inisip nyang bangungot lang ito, pero paulit-ulit pa itong nangyari. May mga panaginip sya na parang may mga taong nakatingin sa kanya...

"Ipikit mo ung mata mo, habang nakahiga ka, tapos dudungaw ako sa ibabaw mo, nakikita mo ba yung hugis ko?""

Ipinagawa nya sa amin ito, dahil malakas ang ilaw sa 2nd floor maaaninag mo ang hulma ng tao pag dumungaw ito sayo.

"Madami sila, parang nakasilip tas nagbubulungan...""

Hindi alam ni Ate na ang kamang iyon ay isang kama sa ospital. Minsan natutulog sya, paggising nya ay nakaangat na yung kama, hindi namin ginagalaw yung recliner nun dahil wala nman gagamit at di rin kelangan ni Ate nun. Nakapagtataka talaga. Kung minsan daw ay parang tinatakpan ang kanyang mga mata, ung mga palad daw ay dahan-dahang bumababa sa nakapikit nyang mata.

Isang gabi habang nakaday-off si ate ay sinubukan naming matulog doon ng pinsan ko, siguro dala ng kyuryosidad. Yung mismong panaginip ni Ate na parang idinidiin sya sa kama ay naramdaman ko din, pero marahil ang gusto nyang ipaliwanag noon ay iginagapos sya sa kama, yung paranag mga narabis o sa mental? Gusto kong kumawala nung oras na yun, ito siguro ung matatawag na sleep paralysis? Wala akong magawa, natataranta na ako nun, hindi ko din mamulat ang aking mga mata. Naaaninag ko din ang mga hugis ng tao sa aking ibabaw, para silang nagdidiskusyon, madami sila.

Habang ako'y nagpupumiglas ay bigla kong naramdaman ang isang dampi ng kamay, tinakpan nito ang aking mata, dumilim kahit ako'y nakapikit. At biglang hinaplos ang aking noo, hinahawi ang aking buhok pataas, dahan-dahan akong napakalma, tumulo nalang ang aking luha dahil sa lungkot.

Si Lola...

Nung umaga ay ikinwento ko ito sa aking pinsan, at nagulat nalang kami dahil parehas ang aming napanaginipan. Hanggang sa huli hindi nya kami pinabayaan. Ngayon wala na sa amin ang kamang iyon, di namin alam kung nasan na, pero.... isa lang ang alam ko, kung may mga bagay na di maiwan ng mga namaalam, may mga tao din silang nais proteksyunan.

END

Thanks ulit sa mga admins kung mapost tong muli. Madalas bang bukas ang ilaw nyo pag natutulog?

Jebs

Spookify 2017Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon