Kamote Nexus movie
K3U music effects: ( let it go ) shing shing shung, shing shing shung...
Kamote Club arc 2
Sa isang lugar na kung saan ay nakalagak ang marmur, ang spaceship kung tawagin ng mga alien, na hanggang sa ngayon ay sinusuri pa ng mga dalubhasa sa larangang ito. Ang bawat piyesa ay maingat na sinasaliksik nang sa gayun makakuha sila ng impormasyon sa materyal na ito. Sa ibang silid naman ay naroon sa laboratoryo ang noo'y sugatang alien na si Abetta na ngayon ay unti-unti nang nakarecover. Ang dahilan kung bakit siya ay nananatiling nakatulog sa malacapsule niyang higaan ay upang suriin siya kung paano siya huminga at gumana ang kanyang vital signs. Ginamitan siya ng pampatulog nang sa gayun ay hindi siya makapanglaban. Sa gitna ng katahimikan at masuring pag-aaral ng mga naroon, pumasok sa lugar na iyon si Colgate. Habang naglalakad siya ay wala man lamang nakapansin sa kanyang presensya. Siya ay tumungo sa kinaroroonan ni Abetta.
Sa silid na iyon ay may sampung doktor na siyentipiko na abala sa pag-aaral sa katawan ng alien. Humarap si Colgate sa alien na walang malay, tinapat niya ang kanyang kanang kamay sa salaming hinimlayan ni Abetta at kanya itong pinakiramdaman. Dahan-dahang pumikit si Colgate hanggang sa nagkaroon ng reaksyon sa pagitan nilang dalawa. Susubukan niyang kausapin ang alien sa pamamagitan ng kanyang isip...
"Abetta, natagpuan ko na ang iyong kasama... Nag-anyo siya bilang tao at kasalukuyan niyang hinahanap ang marmur." Panimula ni Colgate.
"Kung ganun, sino ang nakaharap mo Colgate?" Ang tanong ni Abetta rito.
"Siya raw ay si Kalfa at aniya, ako raw ang kanyang pangunahing suspek sa pagkawala ng marmur. Batid kong alam niya yung kaalaman ko tungkol sa inyo." Paliwanag pa ni Colgate. Sandaling hindi makapagsalita si Abetta dahil sa narinig hanggang sa magsalita na siya...
"Magaling. Sa palagay ko'y ginagawa na ng mga kasama ko ang kanilang misyon sa pagpunta rito. Colgate, gusto kong makipagkita ka kay Kalfa dahil siya ang aming lider. Iparating mo sa kanya ang aking mensahe." Ang sabi pa ni Abetta. Biglang kinabahan si Colgate dahil hindi niya alam kung ano ang ipag-uutos sa kanya ng alien na ito.
Pagkatapos nun, si Colgate ay mag-isang umalis sa lugar na iyon ni wala man lamang nakakapansin sa kanya roon.
Ganito ang nangyari nung unang makita ni Colgate si Abetta...
**Nang sandaling makita noon nina Colgate, Rhay at Yangski ang sugatang alien na si Abetta, halos nanigas muna sila at nagimbal sa pagkakasaksi sa pagkakatagpong iyon. Nilakasan na lamang ni Colgate na hawakan ang katawan ni Abetta upang malaman kung totoo nga ba ito hanggang sa bigla na lamang nagkaroon ng matinding liwanag sa loob nun. Sa takot ay tumakbo palabas ng spaceship sina Rhay at Yangski habang naiwan naman doon si Colgate. Nang mga oras na iyon pala ay sinubukan na ni Abetta na makipag-ugnayan kay Colgate. Maaaring sugatan at hindi na siya makakakilos pero ang kanyang isip ay aktibo at nakikiramdam pa sa paligid. Gagamitin niya si Colgate sa paraang makikinabang siya. Gamit ang isip, nagpalitan silang dalawa ng impormasyon tungkol sa planeta na ito. Si Abetta ang nag-utos kay Colgate na ipaubaya na muna sa mga dalubhasa ang kanilang sasakyan maging ang kanyang pagpapagaling habang si Colgate naman ang bahalang magkubli sa sekretong ito anuman ang mangyari. Siya ang nagsisilbing mata, tainga at bibig ni Abetta sa mga nagdaang buwan. Ngayong alam na ni Kalfa ang suspetya niya kay Colgate, oras na para magsalubong muli ang kanilang landas.
Isang araw...
Erick sound effects: tenenenetenen
"Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwalang napakalma natin ang mga alien." Ang sabi ni Prinsepe Jazz habang naglalakad na patungong Blaast School Academy, "Mabuti na lang at nandiyan si Brian at ng kaibigan niya na isa rin palang alien para baguhin ang takbo ng isip ng lider nilang si Kalfa!"
