Sa gitna ng Kamotepolitan, nagpakita ang isang lalaking sinasabing isang demonyo ng kamote sin, si Asmodeus.
"Papano siya magiging demonyo eh napakaamo ng kanyang mukha?" Reklamo pa ni Macky.
"Wag kang paloloko sa nakikita mong anyo niya, Mack, kung ano ang kanyang pagmumukha, sinisiguro kong hindi siya mabuti." Sita naman ni Marquee.
"Tsk! Parang ang sama mo naman para husgahan ako, binata. Hindi dahil isa na akong demonyo eh masama na talaga ang pagkatao ko." Bakas sa mukha ni Asmodeus ang pagkalungkot, "Isa lang naman ang trabaho ko kaya ako tinawag na demonyo, ang manukso ng tao."
"Alam na namin yan." Singit ni Brian, "Kayong pito ay nanunukso ng mga tao nang sa gayon dumagdag ang mga makasalanan sa mundo! Tinukso mo pa talaga ang kaibigan namin? At anong pinapakita mong kabaitan kung nariyan ang mga kaibigan namin na nakatali sa poste? Sumagot ka!"
"Hmm..." Tila nag-iisip ng pwedeng sabihin si Asmodeus, "Sabihin nalang natin ito na isang laro, pinahihintulutan kong manirahan sa Kamotepolitan ang mga taong natulungan ko sa kanilang minimithing kapangyarihan, kasikatan at kalaswaan. Ngunit ang ayaw magpahulog sa aking tukso ay aking sinusunog. Walang sinumang pwedeng tumuligsa sa aking pamumuno."
"Kita mo na, eh di lumabas na rin ang kasamaan mo!" Galit na sinabi ni Marquee, "Kala mo kung sinong mabait 'daw'!"
"Ikaw pala ang dahilan kaya may nangyari sa amin ng kakambal ko! Magbabayad ka sa ginawa mo, hindi kita mapapatawad!" Sumeryoso na rin ang mukha ni Macky.
Kinuha na ng kambal ang kanilang mga sandata na batong kamote at saka nila isinigaw ang kanilang pagpapalit-anyo...
"LANCER!!!"
"ARCHER!!!"
Erick sound effects --- tedit titir tit tit tedit
Pagkatapos nilang magpalit ng anyo, naisipan na ring magpalit ng anyo ni Asmodeus. Pati ang bandang SKET ay nakisali na rin sa pagpapalit-anyo. Ang mga tao sa paligid ay naging kambing na ligaw.
"Kahit isa na siya ngayong demonyo, ang gwapo niya pa ring tingnan." Naging ah, y'know na ang boses ni Archer, "Pwera nalang sa mga gwapong lalaki ng banda na ang papangit na ng mukha."
"Hindi ito ang oras para manaway o hangaan ang ating kalaban, Archer. Oras na para pakitaan natin sila sa kapangyarihan ng royal knights!" Matapang na litanya na Lancer.
"Mag-ingat kayo sa kalaban, royal knights." Nakaprayer mode pa ang kamay ni Brian na ngayo'y umatras palayo. Baka kasi mahagip siya sa kung anong sandata na lalabas sa mga maglalaban.
Samantala, natapos na rin sa pagmumuni-muni si Chen. Tumayo na siya sa mini park at nagdesisyong bumalik sa bar. Sa daanan ay may nakikita siyang mga kambing na nagkumpolan. Masyadong marami ang mga ito kaya hindi niya gaanong nakikita ang pagdumog ng mga ito. May booster nga pala ang kanyang paa. Ginamit niya iyon para lumutang at hayun! Nakita niyang nakatali sa poste ang mga walang malay niyang kaibigan. Ano pa ba ang gagawin? Eh di iligtas sila.!.
Agad na lumapit si Chen bago pa man tuluyang sunugin ng mga kambing ang tatlo at baka pagpiyestahan pa ng mga ito ang katawan nila. Mga carnivorous pa naman ang mga kambing na ito.
Suntok dito, hagis doon ang ginawa ni Chen. Hindi siya gumamit ng armas. Suntok palang niya kasi ay knock out na agad ang mga kambing. Nang tiyak na ang pagkaubos ng mga ito ay saka palang kinalagan ni Chen ang tatlo. Lumipad siya na kalong ang tatlong walang malay. Mula sa ere naman ay nakita niya sa bandang ibaba ang iba pa niyang mga kaibigan. Kasalukuyang naglalaban ang royal knights sa kambing na SKET.
