157. Kamote And Isda Games

15 0 0
                                    

Nagkasundo sina Haring Steve ng Isda Kingdom at Haring Hero ng Kamote na magkaroon ng malakihang palaro sa dalawang kaharian. Ito ay gaganapin pagkalipas ng isang linggo ayon sa kanilang napag-usapan. Idaraos ito sa pinakamalaking bantayog ng bansa na sasaksihan ng napakaraming tao, ang Philippine Arena. Ang palaro ay aabot sa isang linggo; dalawang laro bawat araw. Mapapanood naman ito sa lahat ng channel lalo na sa mga update ng nasabing palaro. At siyempre, tatawagin natin itong "Kamote and Isda Games".


Ang dalawang kaharian ay nagtawag na ng kani-kanilang pambato sa magaganap na palaro. Sa loob ng isang linggo nila bubunuin ang natatangi nilang pagsasanay para paghandaan ito. Kanya-kanyang mga pakulo ang kanilang pinag-iisipan maipanalo lamang ang palaro na ito. Kung anu-ano ang motibo nila para mangyari ito, aalamin natin yan habang tumatakbo ang istorya. Sa ngayon ay atin na munang tingnan ang ilang mga paghahanda ng Kamote Kingdom...



"Meron tayong pitong laro sa ating kaharian gaya ng sa kaharian ng Isda. Ang gagawin natin, magpapatayo ako ng isang laro na kung saan bihasa ang bawat manlalaro na itatalaga ko rito." Ang sabi ni Haring Hero, "K3U, ikaw na ang magpadala ng mensahe sa lahat ng Nexusians na pupwedeng sumali sa palarong ito. Ikaw na ang magpaintindi sa mga dapat na gawin ng mga aanyayahan." Nasa opisina sila at nagbi-busy-han.

"Ok po Haring Hero. Gagawin ko na po." Sagot din ni K3U.

"Talagang pinaghahandaan mo ang larong ito ah." Pansin naman ni Ydann kay Haring Hero. Tumango naman ito. "Ang puproblemahin nalang natin ay kung anong klaseng palaro kaya ang gagawin ng nasa kabila laban sa atin. Tinitiyak mo bang hindi gagawa ng masamang aksyon sa atin ang kaharian ng Isda?"

"Sigurado akong ganundin ang binabalak ni Steve sa laro para sa kanya Brad. Iyon ang dapat na paghandaan. May isang linggo pa naman bago maganap ang tunay na laro at kung meron mang masamang binabalak ang kaharian ng Isda, malalaman din naman natin yan sa takdang panahon. Sa ngayon ay aasikasuhin ko na muna ang magaganap na laro." Sabi ni Haring Hero.

"Magiging kapana-panabik ang laro na ito panigurado dahil puspusan ang paghahanda ng ating hari." Sabi ni Paulene habang minamasdan ang pagiging abala ni Haring Hero. Hindi naman umimik dito si Ydann.



Sa Isda Kingdom...

"Lord Steve, sa tingin ko hindi sapat ang mga manlalaro sa grupo natin. Mukhang madedehado tayo nito kung hindi tayo kukuha ng ating pambatong mga manlalaro." Ang sabi ni Sunako kay Haring Steve. May dala siyang mga papeles. Nilapag niya yon sa table at kinuha naman iyon ni Haring Steve.

"Ito ang mga listahan ng mga sasali sa ating kupunan?" Aniya. Tumango naman dito si Sunako. "Ang mga kamote naman?"

"May inutusan na akong tao para kumuha ng impormasyon doon." Ang sagot ni Sunako.

"Magaling. Ang kailangan lang para manalo ay maging mautak. Paminsan-minsan magagamit talaga ang utak sa ganito. Sa oras na malaman ko ang listahan ng mga sasali sa pangkat ng kamote, doon ko sisimulan ang aking pagkontra sa kanila." Napakatalino pala ni Haring Steve. Nakagawa pa sila ng paraan para kumuha ng impormasyon sa makakalaban nila. May idinagdag pa si Sunako bukod dun.

"Heto naman ang mga listahan ng mga makakatapat ng ating mga manlalaro." Pinakita ni Sunako yung graph ng Isda at ng Kamote players na may counterpart powers, "May dalawa kayong pagpipilian Lord Steve: iiwasan o sumugal kung ipagtatapat mo sila."

"Salamat Sunako. Nakatulong sa atin ang pagdating ng mga tagakamote sa kahariang ito nung nakaraan. Dahil sa kanila may idea na tayo sa kanilang mga kakayahan." Nakangiting sabi ni Haring Steve. Simula pa lang ng araw ay painit na ng painit ang mga paghahanda ng dalawang kaharian.


Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon