Sa backstage... ... ...
"Patawad mga kasama kung binigo ko kayo." Nanghihinayang na sabi ni Vincent.
"Ayos lang yun at least pinakita mo naman sa kanila ang iyong galing." Sabi naman ni Fita sabay abot sa kanya ng skyfkakes.
"Kahit talo ka sa laban, iuupload ko pa rin ito sa IG." Ang sabi ni Gal.
"Saludo pa rin kami sa iyo, Vincent, kaya smile ka naman diyan ok?" Pinasigla siya ni Nanah.
"..." Hindi makapagsalita si Rhay dahil sinaksak ng biskwit ni Fita ang kanyang bibig.
"Salamat sa inyo mga kaibigan." Bumalik na ang sigla ni Vincent.
After the commercial break, the show continued...
"Yes we're still here at the Araneta Coliseum. Let's see who's gonna battle next." Said Jana Carlie as she begun to call the next contenders, "Please welcome, Haru and Messiebabe."
The audiences are pleased to clap when the contenders name has been told. Before the battle will start, a side story is to be unfold...
Si Haru ay may pagkahilig sa Korean dramas. Ginagaya niya yung mga nakikita niya sa GMA gaya nina Maru Kang at Rain. Ang di lang niya maibabago ay ang kanyang mukha dahil kahit anong pagpupumilit niyang pag-aayos sa kanyang mukha ay hinding hindi rin niya ito magagaya. Dahil tapos na ang kanyang misyon sa Kamote City, ang dahilan kaya siya sumali sa patimpalak na ito para sa kanyang sarili naman. Gusto kasi niyang maging perpektong lalaki para sa pag-ibig niya kay Iyrah, para naman maging maganda ang kanilang pamumuhay sa oras na ikasal sila.
Pagkatapos ng kaunting palabas ng kanilang side story ay nagsiharap na sa battlefield ang dalawang kalahok.
Siyempre andyan naman ang mga tagasuporta ni Haru, ang buong mamamayan ng Kamote City pati na rin ang kanilang Kamotekage na nanood ngayon sa Tv. Ang pinakaimportante sa lahat ay si Iyrah na andun para suportahan siya. Malakas ang kanyang loob na maipapanalo niya ang laban na ito...
"Galingan mo bro!!" Sigaw ni Transam.
"Mananalo ka, tiwala lang." Pagpapalakas loob sa kanya ni Ranth Heart.
"Sana manalo ka." Bulong ni Iyrah.
Ang kanyang makakatunggali ay si Messiebabe na kahit sa audition palang ay nakakuha na siya ng maraming tagahanga hanggang sa umabot na siya sa semi finals. Tinataglay kasi niya ang pambihirang karisma at alindog na pumupukaw sa dugo ng kalalakihan. At mantakin nga naman, halos kalahati ng mga kalalakihan dito sa Araneta ay nakasuporta sa kanya. Katunayan meron na nga siyang Fan Page sa Facebook dahil dito. Ang kanyang picture ay isa lang, halatang kuha lang sa frame. Nakangiting humarap sa entablado si Messiebabe. Tumingin siya sa gawing kinauupuan ni Brian at dito'y kumaway siya.
Nagulat naman si Brian na kinawayan siya ni Messiebabe. Hindi niya kilala ang babaeng ito. Para makatiyak siya, naghand gesture siya, tinuro ang kanyang sarili na tipong nagtatanong na, "ako ba?" na saka namang kumindat ang langya na may kasamang nguso ng labi. Pumitik pitik yung mata ni Brian sa sobrang gulat. Binulungan siya ni haring Hero,
"Sa tingin ko type ka niya Brye."
Pagkarinig na yon ni Brian parang may bahagi ng kanyang katawan ang tumigas... Oops bawal ituro...
"And now, Haru versus Messiebabe, fight!" Said Jana and the bell rung.
"Galingan natin ha." Nakangiti pa rin si Messiebabe.