95. Kamote Decision

69 0 0
                                    

Sa Isda Kingdom, wala sa palasyo ngayon si Steve Fox, ang bagong alagad ni Gwapong Marine. Siya rin yung misteryosong lalaki na laging naghahatid ng balita sa hari ng mga Isda. dahil wala siya, nagpadala siya ng Instagram video para sa mahal na hari ukol sa nakaraang pananalakay ng kamote minion. Nakapaloob sa video na ito ang mga galaw ng kamote minion at pati na rin ang pananalakay nito sa mga tao. natuwa naman si Gwapong Marine sa naging resulta ng kanilang pag-eksperimento. Ang tawag niya sa halimaw na ito ay Isda Minion. Ito yung version niya sa halimaw na kamote minion na kilala ng mga Nexusians. Kaya lang, sumimangot ng kaunti si Gwapong Marine dahil nakialam sa eksena si Ydann at yung estudyante na gustong pag-aralan ang katawan ng isda minion.


"Sige lang, gawan nyo ng basis at conclusion ang bago kong pet. Kapag nahanap n'yo na ang sagot, saka naman ako magpapadala ng mga isda minions na mas malakas pa sa mga nauna. Hehe." Ang sabi ni Gwapong Marine pagkatapos niya itong mapanood.



Balik ulit sa Kamote Dungeon. Nakapagdesisyon na si Roy. Kailangang kausapin niya na sina Haring Hero at Ydann para pag-usapan ang ilang mga bagay-bagay. Nagpaunlak naman ang dalawa. Inilabas na ng kulungan si Roy. Piniringan siya ng mga ito upang hindi na makagamit ng Geass sa harap nina haring Hero at Ydann.

Siya ay dinala sa opisina na kung saan ay naghihintay ang dalawa. Inihatid ng mga kawal ng palasyo sa opisinang iyon si Roy at pinaupo sa harap nina haring Hero at Ydann. Pagkatapos nito'y nagsialisan na ang mga kawal.

"Nakapag-isip ka na ba Roy kaya mo kami gustong makausap?" Tanong ni Haring Hero.

"Oo." Ang sagot ni Roy. "Meron lamang akong nais na malaman sa inyo, kapag ba sinabi ko kung nasaan ang Isda Kingdom, bababaan n'yo ba ang sentensya ko?"

"Hindi lang basta ibababa kundi palalayain pa kita." Ang sabi naman ni Haring Hero.

"Anong ibig mong sabihin?" Nagulat si Roy sa kanyang narinig. "Basta n'yo lang akong palalayain sa oras na maibigay ko na ang impormasyon? Napakadali lang naman pala yon kung ganun. Ano ito, naglolokohan lang ba tayo rito?"

"Huminahon ka lang Roy, ipapaliwanag sa iyo ni Ydann ang alok kong kasunduan. Brad..." Sumenyas na si Haring Hero.

"Ok, makinig kang mabuti Roy, ikaw ay binibigyan ng pagkakataong makabalik sa Isda Kingdom at tutulungan ka naming maibalik sa iyo ang loob ng iyong boss ngunit, ikaw ay magtatrabaho rin sa amin. Heto ang ating kasunduan, ikaw ay inaalok na maging miyembro ng Kamote. Magiging dalawa na ang iyong pagsisilbihan. Ikaw ang aming magiging mata, tainga at bibig sa pakikipagsalamuha mo sa Isda Kingdom. Tatanggap ka pa rin ng kautusan mula kay Marino pero kailangang tunugan mo ang Kamote Nexus sa binabalak ng kalaban." Paliwanag ni Ydann. "Sa nababasa kong files sayo, ikaw ay sumali na sa mga laro rito gayundin sa thread ng KN sa Smartnet. Ang masasabi ko sa ginawa mo ay well done."

"Yun ba ang basehan n'yo kaya niyo ako gagamitin? Bakit kailangan ko pa na magtrabaho sa inyo?" Nagsimula ng pagpawisan si Roy.

"Gusto lang namin mapadali ang buhay mo kaysa namang mabulok ka sa ilalim." Ang sagot ni Haring Hero.

"Ang sama mo! Pareho lang kayo mga masasama! May pa pt-pt pa kayong nalalaman ha, ang dumi niyong humusga sa kapalaran naming mga preso!" Nag-emote si Roy.

"Pt? Anong pt na pinagsasabi mo Roy?" Yung mukha ni Haring Hero ay bakas na wala nga siyang alam tungkol sa pt.

"Ahaha, nakatuwaan lang kitang lokohin Roy, wala naman talagang ganun sa kulungan eh." Ang sabi ni Ydann.

"Anong wala? Paano mo ipaliliwanag na natatakot ang mga preso kapag may pt linggu-lingo? Yung mga kawal dun alam nila ang ibig sabihin nun. Pano mo pasisinungalingan sa akin ang mga iyon?" Dinamdam ba naman ang joke na 'yon ni Ydann, ha Roy?

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon