11. Prince Bubblegum Of Kamote

199 5 0
                                    

"Plano? sSabihin nyo po Bossing Sirchief para makabawi naman ako..." Pagsusumamo ni Astrox.


"Hindi ko kailangan ng basura. Pabigat ka lang sa mga plano ko. Umalis ka nalang dito nang gumaan naman ang loob ko." Wala sa mood na sabi ni Gwapong Marine.

"Ano namang plano ang naiisip ng aming bossing.?." Interesadong tanong ni Kontrabida 2.


"Hehehehhee." Isang kaakit-akit na tawa lamang ang binitiwan ni Gwapong Marine at naglakad na pabalik sa kanyang silid.

Naiwang bigo si Astrox Zhero, napaluhod siya at nakayuko. Dinaanan lamang siya ni Kontrabida 2 at si Kontrabida 1 naman ay nag-iwan ng mensahe. Tapik muna sa balikat, "Nice try, pagmasdan mo nalang kami ni Death kung paano kami kumilos." At saka siya umalis.




Balik muna sa plasyo.

Nakarating naman ng ligtas ang mga Rangers mula sa di malilimutang kaganapan dun sa isla ng Kamote.

At siyempre, gaya ng mga naunang bayani, bawat isa sa kanila ay makakatanggap ng golden kamote medal bilang parangal sa pagkakuha ng wonder kamote.

IpinaLBC na pala nila ang nasabing kamote sa ospital. Sa isang iglap lang ay natanggap agad ito ng nangangasiwa saka iniabot kay reyna Lor na noo'y nagbabantay sa kanyang anak. Nilaga muna ang kamote, ibinlender, at saka pinasok sa dextrose. Pagkaraan ng ilang sandali, unti-unti ng bumalik sa ayos ang katawan ni prinsepe Bubblegum. Nagising siya nang tuloyan ng gumaling na para bang natutulog lang siya ng ilang araw. Bumalik na nga ang kanyang sigla. Nagyakapan ang mag-ina at masayang umuwi sa palasyo.

Dahil sa magandang balita, inutusan ng mahal na hari ang lahat na ipagdiwang ang pagbabalik ng prinsepe. Nagpaluto siya ng sangkatutak na kamote at iba pang mga putahe. Inihanda na rin ang mga tambol at trumpeta bilang pag-iingay na tanda ng maayos na pagsalubong sa pagbabalik ng prinsepe.


Bukod sa mahal na hari, pinakanasasabik sa lahat ay si Nanah, matandaan na Bff niya ang prinsepe at may katagalan na rin nang di sila nagkikita. Meron kasi silang mga pinagkaabalahan kaya bihira lang sila kung magkita. Ganunpaman, Bff pa rin sila kung tawagin.

Nagkita ang mga Rangers at si Brian. Binati ni Brian ang pagkatagumpay ng mga ito. Napansin naman ni Fita na wala ang dalawang kasa-kasama ni Brian kung kaya't natanong niya kung san na ang mga iyon. Napalitan ng lungkot ang saya sa mukha ni Brian nang marinig yun. Hindi muna siya kumibo saglit pero ng makabawi ay nginitian n'ya lang si Fita at saka iniba nila ang usapan.

Isang surpresa ang pagpasok ni prinsepe Bubblegum sa palasyo. Naabutan niyang naglalaro ng mahjong sina Gal, Vincent, Fita at Rhay. Nainip kasi sila sa paghihintay. Sa hudyat ni Brian, nagsitugtugan na ang tambol at trumpeta.




sounds ni Erick-- tugs tug tugs! tug tugs! tug tugs! tugs tug tugs!




"Narito na si prinsepe Bubblegum." Nakamegaphone si Brian.

Kaway-kaway din ang time ni prinsepe Bubblegum. Kinamayan niya ang mga taong nag-abang sa kanyang pagbabalik. Isang pista ang naganap sa palasyo sa dami ng handa. Sa wakas, nagkita na rin ang mag-bff.


"Maligayang pagbabalik, Kaito." Masiglang sabi ni Nanah.

"Salamat, bespren." Mahinahong sabi ni prinsepe Bubblegum, "Balita ko, kasama ka sa pangunguha ng wonder kamote. Salamat talaga bespren. Bff nga kita." Binigyan niya ng halik sa pisngi si Nanah na siya namang ikinapula ng mukha niya.

Para sa kaalaman ng lahat, Kaito ang pangalan ni Bubblegum kapag lumalabas siya ng palasyo na hindi nakabihis pampalasyo. Nag-iiba siya ng pananamit na tulad sa pankaraniwang tao. Paraan niya ito para makasalamuha ang mga tao nang di magkailangan. Bff lang niya nakakaalam na isa siyang prinsepe.


Meron palang hobby si prinsepe Bubblegum na kinaiinisan naman ni Nanah, isa siyang playboy.

Nakabihis ng barong tagalog si haring Hero nang magkita sila ng prinsepe. Yakapan at kwentuhan lang sila. Sa dalawa niyang anak, mas paborito niya si Bubblegum kaysa kay Jazz. Pero pantay lang naman ang trato niya sa mga anak niya. Hindi rin naman nag-aagawan ng atensyon sa magulang ang magkapatid na prinsepe, pag may alitan, pipektusan ni reyna Lor sa singit, sakit kaya nun.


Nga pala, cute kaya si haring Hero pag nakabarong tagalog?

Sa gitna ng kasiyahan ay may tumawag sa nexus cellphone ni haring Hero. Isang tawag mula kay Gwapong Marine. Hindi nagdalawang isip ang hari, sinagot niya ang tawag.

"Buenas tardes mi amigo, como estas?" Pauna ni Gwapong Marine.

( Hindi ko alam translation nito, nabasa ko lang to sa blaast chat. )

"Napatawag ka." Kalmado si haring Hero, "Anong kailangan ng magnanakaw ng pera ng bansa sa akin?"

"Oops! Easy... Easy my friend. Napatawag lang naman ako para batiin ang iyong paboritong anak sa kanyang pagbabalik." Tila gustong makipaglaro yung tono ni Gwapong Marine.

"Tsk. Alam ko na yun na nagmamanman ka lang sa kaharian ko, marami kang source, pwede ba diretsuhin mo na ako. Hindi ka naman tatawag kung wala kang kailangan eh. Sabihin mo na ang kailangan mo para matapos na ang usapan. Iniisturbo mo kasiyahan namin." Galit ba? BP ni haring Hero umakyat.


"Meron akong business proposal." Umpisa na ng laro, "Gusto kong ipakasal ang anak ko kay Bubblegum. Pag tinanggap mo ang alok ko, ibibigay ko ang Kamote Tax nang walang labis, pero nakulang na..." "...At magmimerge pa ang kamote mo at tuna ko. Tiyak uunlad ang Pilipinas." Pahabol niya.

Narinig ni prinsepe Bubblegum ang usapan. Binigay ni haring Hero ang cp saka nagsalita ito, "Oy, hindi ko kailangan magpakasal sa anak mo para sa ikayayaman ng bansa, kaya naming iahon to nang wala ang tulong mo, TRAYDOR!" Sabay end call, tapos..


Sa kaharian ng Tuna naman, nagsagawa na ng plano si Gwapong Marine. Tinawag niya ang dalawa niyang galamay na sina Death at Angelica. Pinatawag din niya ang anak niyang si prinsesa Maricon. Ang kanilang plano, makikipaghalubilo sila sa kaharian ng Kamote. Pag nakatiyempo, saka nila ito aatakehin.



Si Gwapong Marine laban kay Hero.

Si Angelica laban kay Lor.

Si Maricon laban kay Bubblegum at

Si Death laban kay Shin.



Sa palasyo ng kamote, nabahala si haring Hero hindi niya lang pinakita kanina. Hinarap niya si Brian at inutusan na ang pagpasok nito sa inner core. Kailangan makuha na ang golden kamote kahit na anong mangyari.

Kaya lang, malungkot namang ibinalita ni Brian na wala na ang T-brothers. Watak na ang grupo. Sa di mapaliwanag na pangyayari, biglang naglightbulb si haring Hero at sinabing, "Alam ko na! Magpapalaro ako sa mga tao. Magkakaroon tayo ng turnamento sa laro. Ang tatanghaling kampeon ay isasama mo papuntang inner core." Masiglang sabi niya.

"Masyado naman po atang kalabisan yan mahal na hari." Parang hindi sumang-ayon si Brian, "Hindi kaya pambata lang yang naiisip nyo? Kung tutuusin, pwede ko namang isama ang Kamote Rangers."


"Wag sakim Brye, meron na kayong golden kamote medal... Bigyan din naman natin ng tsansa yung iba na magkamedal din." May halong paglalambing ni haring Hero.

"Kung iyon po ang ninanais ng kamahalan, nakahanda po akong maghintay..." Sumang-ayon na rin si Brian.

Saan hahangtong ang mga tagpong ito?

Sisimulan na sa next chapter ang palaro ni haring Hero. Abangan...

KAMOTE NEXUS

Kamote NexusTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon